Connect with us

Inspiring

High School Lover Inspirasyon Ang Hatid Matapos Sabay Magtapos Ng Kolehiyo Na Parehong May Latin Award

Published

on

Kinabibiliban, hinahangaan at inspirasyon ang hatid ng magkasintahan na nag-viral sa social media nito lamang nakaraan, ito ay dahil kahit high school lover sila at sa kabila ng mga struggle sa kanilang relasyon, idagdag pa ang pagiging abala nila pareho sa kanilang pag-aaral pagdating nila sa kolehiyo ay napanatili nga nilang matatag ang kanilang relasyon at magkasabay pang natupad ang pangarap nilang makapagtapos sa kolehiyo.

Ang magkasintahan nga na ito ay sina Angel Nicole Pineda at Kyle V. Pablo, na magmula pa nga Grade 8 ay magkasintahan na. Dahil nga sa high school lover sina Angel Nicole at Kyle, ay inakala ng karamihan na ang relasyon ng dalawa ay temporary lamang, dahil sa mga ganitong edad nga ito ‘yong madalas na sabihin na ‘puppy love’ dahil sa mga bata pa nga sila.

Ngunit pinatunayan nga ng dalawa na ang pagmamahal nila sa isa’t isa ay hindi temporary, at pinatunayan ng ana ‘road to forever’ ang relasyon nila na nagsimula noong sila ay high school, sapagkat nanatili ngang matatag ang kanilang relasyon pagtungtong ng college hanggang sila ay maka-graduate.

Hindi nga lamang ang pagiging matatag ng magkasintahan ang kinabibiliban sa kanila, dahil maliban pa dito, ay hinahangaan din ngayon ng marami kung paano ginawang inspirasyon nina Kyle at Angel Nicole ang isa’t isa upang paghusayan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Pinatunayan din ng dalawa na hindi hadlang sa kanilang relasyon ang kanilan pag-aaral, at mas lalong hindi hadlang sa kanilang pag-aaral ang relasyon nila.

Sina Kyle at Angel Nicole ay parehong nag-aaral sa prestihiyosong Unibersidad ng Santo Tomas, at kahit na nga sila ay abala sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo na talaga namang masasabi natin na puno ng assignment, project, at mga reports, ay nagawa pa rin nga nila pagtibayin ang pundasyon ng kanilang relasyon.

Sa panahon ngayon ay tila bihira na lamang nga ang mga magkarelasyon na tumatagal, lalo na sa mga nag-aaral pa, dahil sa talaga namang nakaka-drain ng energy ang college life, at ang iba nga ay hindi kinakaya ang pressure. Kaya naman proud si Angel Nicole sa resulta ng determinasyon at pasensya nila ng nobyo, na hindi maapektuhan ang relasyon at pag-aaral nila kahit na pareho silang abala na tuparin ang kanilang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo.

Sa Facebook post ni Angel Nicole ay kanya ngang ibinahagi ang kasiyahan niya ngayong natupad nila ng nobyo ng magkasama ang maka-graduate sa kolehiyo at ang nakakabilib pa ay pareho silang may Latin honor.

“It still feels surreal to look back and realize how far we’ve come. From Grade 8 pabebe days to binge watching ‘Playful Kiss’ during shs, and to our almost 5-minutes catch-up makita lang ang isa’t isa amidst na overlapping scheds, we finally made it!”, saad ni Angel Nicole sa kanyang FB post.

Talaga namang pinatunayan nina Kyle at Angel Nicole na ang pagkakaroon ng lovelife habang nag-aaral ay hindi magiging distraksyon basta’t ito ay gagawin niyong inspirasyon na magkasintahan para mas maging determinado pa na tuparin ang inyong mga pangarap sa buhay.