Connect with us

Inspiring

Hinahangaan Ngayon Ang Isang Grade 8 Student Dahil Sa Kanyang Mala-Computerized Na Sulat-Kamay

Published

on

Ang talento ng isang indibidwal ay isang bagay na kanyang maipagmamalaki sa buhay, kaya naman ito ay mas dapat hasain, paglinangin at pagyamanin. Maituturing rin na biyaya ng Diyos ang bawat talento na tinataglay ng isang tao. Iba-iba nga naman ang talento na mayroon ang bawat indibidwal, ang iba ay may husay at talento sa pagsayaw, pag-awit, pagpinta o di kaya naman ay pagluluto. Ang mga talento ngang ito ang kadalasan nating nakikita sa mga nakapaligid sa atin.

Kaya naman ng kumalat sa social media ang natatanging talento ng isang Grade 8 student ay marami ang namangha sa kanya. Tila kakaiba kasi at hindi karaniwan sa isang indibidwal ang taglay na talento ng Grade 8 student na ito, kung saan ang kanya ngang talentong taglay ay ang pagkakaroon ng napakagandang sulat-kamay.

Ang batang ito nga na may napakagandang sulat kamay ay isang Grade 8 student na mula sa bansang Nepal. Hindi nga lamang ordinaryong hand-writing ang nagagawa ng naturang batang babae, dahil sa ang ganda nga ng kanyang sulat-kamay ay tila ito ginamitan ng teknolohiya kagaya ng computer sapagka’t napaka-ayos, linis at ganda ng pagkakasulat nito.

Kinilala nga ang Grade 8 student na si Prakriti Malla, na tinagurian nga ngayon na may pinakamagandang sulat-kamay sa buong mundo.
Makikita sa social media account ng guro ni Prakriti na si Dr. Kirsin Furguson ang naging pagbabahagi nito ng larawan kung saan ay makikita ang nakamamanghang ganda na sulat-kamay ng kanyang estudyanteng si Praktiri.

Sa unang tingin nga ay tila aakalain ng sinoman na ang sinulat sa isang papel ay tinype gamit ang computer, dahil sa tila nga ang istilo ng sulat ay mula sa isang ‘font style’ ng computer. Ayon naman sa Grade 8 student na si Malla, dahil sa ganda ng kanyang sulat-kamay ay madalas siyang pinapasulat, at hilig niya rin talaga ang magsulat.

Dahil nga sa napakagandang sulat-kamay niya ay nakilala at naging tanday si Malla, kahit para sa kanya ay napaka-natural lang naman ng kanyang ginagawang pagsusulat. Sino ngang mag-aakala na kayang gawin ng isang Grade 8 student ang kakayahan ng computer na makagawa ng isang maganda,

malinis, pantay-pantay at kaaya-ayang pagsulat ng bawat letra, kaya naman talagang umani ng papuri at paghanga mula sa maraming netizens ang talento na taglay ni Malla. Sa panahon nga ngayon halos napakarami nan gang teknolohiya ang napakikinabangan ng mga tao, ngunit tunay ngang wala pa ring makakapantay sa talentong taglay ng isang tao na biyaya nga ng Diyos.