Connect with us

Entertainment

Hindi Inakala ng Batikang Aktres na Si Gloria Romero Na Hanggang Ngayon Ay Maaalala Pa Rin Siya Ng Kanyang Dating Guro

Published

on

Nito lamang nakaraan ay naging usap-usapan sa social media ang isa sa mga tanyag na artista sa Pilipinas na sumikat noong dekada 60, na si Glroria Romero. Ito nga ay matapos niyang makaharap muli ang kanyang guro noon, na ngayon ay nasa edad 100 na, ngunit naaalala pa rin siya nito.

Kamakailan nga lamang ay nagkaroon ng panayam sa programang “Tunay na Buhay” ang batikang aktres na si Gloria Romero, at dito nga ay sinorpresa siya ng host ng programa na si Pia Arcanghel kung saan ay muli nga niyang nakaharap ang kanyang dating guro sa pamamagitan ng virtual reunion.

Ang dating guro ni Gloria na 100 na ang edad ngayon ay nakilalang si Lola Virgie. Ayon sa ulat noong nag-aaral pa ng high school ang tanyag na aktres ay naging guro nito si Lola Virgie sa asignaturang Ingles at Filipino. Nakakabilib naman na kahit napakatagal ng panahon nito, ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang naging relasyon nila sa eskwelahan noon bilang guro at estudyante.

Hindi naman naitago ng tanyag na aktres ang kanyang kasiyahan sa muling pagkakausap nila ng kanyang dating guro, at ayon sa kanya ay pinasasalamatan rin niya ito dahil ayon nga dito ay lahat ng kanyang pelikula at programa ay pinapanood nito.

Naibahagi din ng dating guro na si Lola Virgie, na maliban kay Gloria ay paborito rin niyang artista sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. Ngayon nga umano na matanda na ito at mahina na ang tuhod ay nanonood pa rin siya ng telebisyon ngunit mas madalas na nakahiga lamang siya habang nanonood.

Ikinatuwa naman ng maraming netizens ang naging reunion na ito ni Gloria at ng guro nito nung high school. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“One of our oldest liv𝔦ng actresses in the Philippines meeting her H.S. teacher, who is a hundred years old really one of a k𝔦nd encount𝔢r for both Tita Gloria and Ma’am Virgie. Long𝔢r lif𝔢 and more bl𝔢ssings for both of them.”

“She’s so strong for a century old p𝔢rson. She doesn’t look 100 as well, she looks a lot young𝔢r. She still speaks well, and she still has her m𝔢mories wow amazing.” “Napaka g𝔞g𝔞nda ng mga kabab𝔞ihan noong araw sila ang mga tunay na bab𝔞eng Filipin𝔞 mga tunay na pinis at mahinhin ang gag𝔞nda nila kahit matat𝔞nda na sila.”

Si Gloria Romero ‘Q𝔲een of Philippine Movies’ noong 60’s dahil sa daming pelikulang Pilipino ang kanyang nagawa. Ang kanyang karera sa showb𝔦z ay umabot na ng mahigit anim na dekada at nakatanggap narin siya ng maraming aw𝔞rds kag𝔞ya ng best actress.