Connect with us

Inspiring

Humanga Sa Isang Estudyante At Taga Alaga Bata Umaga At Pag-Hapon Naman Bilang Panda Girl

Published

on

Umani ng papuri at paghanga ngayon mula sa maraming mga netizens ang isang babae , dahil sa ipinamalas niyang kasipagan at pagiging madiskarte sa buhay. Ang babae ngang ito ay kinilalang si Andrea Kate, na pinatunayan nga sa panahon ngayon ay hindi na basehan ang kasarian ng isang tao lalo na pagdating sa kasipagan at diskarte. Makikita sa Facebook page ni Andrea Kate Mendoza ang naging pagbabahagi niya ng mga naging karanasan niya sa hamon ng buhay at kung paano nga niya hinarap ito lalo na ngayong panahon ng krisis.

Sa post nga ni Andrea sa kanyang Facebook page ay mababasa ang naging pagbabahagi niya ng mga maraming bagay na kanyang pinagkakaabalahan, kung saan ay talaga namang kahit siya ay 21-taong gulang pa lamang at nag-aaral pa ay napakarami nga niyang bagay na ginagawa umang diskartehan ang mga pangangailangan niya sa buhay.

Ayon nga sa kanya tuwing umaga ay ang pagtitinda, pag-aalaga ng pamangkin at pag-o-online class ang kanyang inaatupag, at pagdating naman ng hapon ay suma-sideline siya bilang isang panda girl.
“Magtitinda, mag-aalaga ng pamangkin, at online class sa umaga, PandaGirl sa hapon. Im 21 years old po. 2nd year college at nag-aaral sa Technological Institute of the Philippines, course of BSCE (Bachelor of Science in Civil Engineering)”

Ibinahagi rin ni Andrea na noon pang nakaraang taon ng simulant niyang magtrabaho bilang isang food panda rider. Naisipan niya umanong pasukin ang ganitong uri ng trabaho, dahil nais niyang makatulong sa kanyang mga magulang lalo na ngayong mas ramdam nga ang krisis ng kahirapan dahil sa krisis.

“Last year, November lang po ako nag start mag food panda po. Naisipan ko po mag food panda sa kadahilanan para makatulong rin po ako sa mga magulang ko pambayad ng tuition dahil nga po pandem!c marami na rin po ang nagbago at nawalan ng trabaho.” Dagdag na saad pa ng dalaga, kahit na nakakaranas ng labis na kahirapan ngayon dahil sa krisis, ay patuloy naman siyang naniniwala na hindi siya pababayaan ng Diyos at ito nga ang kanyang provider. “Naniniwala po ako na DIYOS AY BUHAY SIYA PROVIDER KO NA HINDI AKO PABABAYAAN. ORDER NA KAYO SA FOOD PANDA.’

Tunay nga naman na kahanga-hanga ang kasipagan ni Andrea, at ang kagustuhan nga nito na makatulong sa kanyang mga magulang, ngunit ang mas kahanga-hanga pa sa kanya ay ang hindi niya ikinakahiya ang trabahong pinasok niya, sa kabila nga na ang trabaho ng pagiging isang rider ay trabahong panglalaki.

“Sila: Buti hindi ka nahihiya kasi ang bata mo pa tapos babae ka nafo-food panda ka?” Me: HINDI PO. Marangal naman po ang trabaho ko bakit ako mahihiya.” Kahit nga sa tingin ng iba ay hindi siya nararapat sa kanyang trabaho dahil isa siyang babae, ay buong pagmamalaki ngang ipinagdiinan ni Andrea na wala siyang dapat ikahiya sa kung ano ang trabaho niya ngayon, dahil sa isa itong marangal na trabaho.