Connect with us

Inspiring

Inspirasyon Ang Hatid Ng Isang Dating Delivery Rider At Service Crew Na Ngayon Ay Isang Police Officer

Published

on

May kanya-kanya tayong paraan upang makamit ang ating pangarap na tagumpay sa buhay. May mga taong swerte kung masasabi sapagkat may kaya na sila sa kanilang buhay at mayroon namang iba na araw-araw sinusubok at hinahamon ng buhay. Subalit, ang lahat ng pagsubok na ito, kung mayroon kang tiyaga, determinasyon at samahan mo pa ng sipag, tiyak tatangayin ka nito sa agos ng iyong tagumpay.

Isang Police Officer ang nagbahagi ng kanyang pinagdaanan noon at kung paano siya nakarating sa kinalalagyan niya ngayon, siya si Police Officer Renx Francisco D. Ramos. Si Officer Ramos ay nanggaling lamang sa mahirap na pamilya kung kayat sa kanyang pagkwento ng kanyang buhay, inilahad niya na kinakailangan niya pa umano noon na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.

Dahil nga sa kakapusan ng kayang pamilya, nagtrabaho siya noon bilang isang delivery rider ng nilalang kompanya na Grab Food at naging isang rin siyang service crew ng kilalang fast food chain dito sa atin upang matustusan lamang ang kanyang pag-aaral. Ang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ay hindi madaling pagsabayin,

nandito ang pagod at minsan ay ang pagsuko. Hinfi madali ang mga pinagdaanan ni Officer Ramos kung kayat may mga pagkakataon umano na sobrang nahirapan na siya sa kanyang kinalalagyan ngunit sa kabila ng pagod at hirap na kanyang naranasan mas pinili ni Officer Ramos na hindi sumuko at magpatuloy lamang tungo sa kanyang inaasam na pangarap na maging isang pulis.

Ipinahayag pa ni Renx Francisco D. Ramos PNP-AVSEGROUP CLASS 2020-02 ALAB-BALASIK sa isang mensahe na “HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP! Working student ako sa jollibee. Pagkatapos ko ang sarili ko at nag delivery food muna habang naghihintay ng quota sa PNP at sa wakas, naabot ko na ang pangarap ko. Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit.”

Dahil sa kanyang tiyaga at pagsusumikap, hindi nabigo si Officer Ramos at naging ganap na nga siyang Police Officer na alagad ng bayan.Sinabi pa niya, hindi na daw bago ang kwentong katulad sa buhay niya subalit, nais niya lamang makapagbigay ng inspirasyon sa ibang mga kabataan na nagnanais na maging isang pulis ngunit dumadaan sa hirap ng buhay. Walang imposible sa taong may pangarap.

Sa kwentong tagumpay na buhay ni Officer Ramos, maraming netizen ang naging inspirasyon ito. Hindi nabigo ang kanyang ninais na makapagbigay ng lakas ng loob sa mga taong nawawalan na ng tiwala sa sarili. Ang tanging hiling lamang ng mga netizen kay Officer Ramos ay naway maging tapat at may kabutihang puso ang pagiging alagad niya ng bayan na may layuning maging maayos at mapayapa ang ating bansa.