Connect with us

Inspiring

Isang 9-Taong Gulang Umani Ng Paghanga At Sinpatya Matapos Ibahagi Ang Pagbebenta Ng Kanyang Mga Medalya

Published

on

Mula ng magkaroon ng krisis sa ating bansa, ay marami nga sa ating mga kababayan ang mas lalo pang dumanas ng kahirapan. Ang iba kasi ay nawalan ng trabahong mapapasukan dahil sa nagsara ang kanilang pinag trabahuan, at ang iba naman ay nagsara ang negosyong naipundar.

At sa mga kababayan nga natin na dumanas pa lalo ng kahirapan sa panahon ng krisis ay nabibilang ang pamilya ng 9-taong gulang na si Kenneth Mendoza, kung saan ay mas lalo umano silang nahirapan dahil sa natigil sa pagtatrabaho bilang isang lady guard ang kanyang ina dahil nga sa krisis.

Ayon nga sa naging ulat, si Kenneth at ang kanyang kapatid ay mag-isang itinataguyod ng kanilang ina bilang isang single mother. At mula nga ng ito’y mawalan ng trabaho ay talagang nalubog ang kanilang pamilya sa pagkakautang.

Upang makatulong naman sa kanyang ina, at para may may pambili umano sila ng makakain, kamakailan nga lamang ay nanawagan ang 9-taong gulang na si Kenneth sa social media. Kung saan ay kanyang ibinahagi ang mga medalya na nakuha niya sa paaralan bilang parangal sa kanyang kasipagan sa pag-aaral kalakip nga ang kanyang panawagan na ito ay kanya ng binebenta.

“Mga medals ko po. Bente-bente lang po. Salamat po”, ani Kenneth.
Kahit nga mahalaga kay Kenneth ang kanyang mga medalya ay pinili niyang ibenta ang mga ito para matulungan ang kanyang ina na mairaos ang hirap na kanilang nararanasan kahit sa maliit na halaga lamang.

Dahil sa marami nga ang nakapanood sa video ni Kenneth ay na-feature nga sila ng kanyang pamilya sa programa ng GMA-7 na ‘Kapuso Mo Jessica Soho’, at dito nga ay naibahagi ng programa ang mahirap na buhay ng pamilya.

Ayon nga sa ina ni Kenneth na kinilalang si Cheryl Mendoza, ay nabaon sila sa utang ng mawalan siya ng trabaho bilang lady guard tapos ay sunod sunod pa silang nagkasakit ng kanyang mga anak.
“Itong krisis po sobrang hirap po. Sunod sunod kaming nagkasakit. Nabaon ako sa utang.

sabi ko nga ayoko magkasakit ang anak ko. Syempre nanay ako eh mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kapag nakahiga ako? Hindi pwedeng umaasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon.”

Sa ngayon umano ay suma-sideline si Cheryl bilang kasambahay upang kumita ng pera para pagkain ng kanyang pamilya. Ngunit ang kapalit naman nito ay ang isang araw lamang niya nakakasama ang kanyang mga anak, dahil sa isang beses sa isang linggo lamang siya maaring umuwi sa kanilang inuupahan.

Samantala, para nga sa 9-taong gulang na si Kenneth ay mas nais umano nila na nakakasama nila sa araw-araw ang kanilang ina, na kahit hindi na sila makakain basta kasama lamang nila ito. Kaya naman para makatulong nga sa kanyang ina, ay naisipan niya na ibenta na lamang ang mga iniingatan at tinatago niyang mga medalya.

“Nahihirapan na po ako pag nahihirapan si Mama. Iniisip ko lang kung makakabayad kami ng bahay. Kasi kung hindi kami nag bayad palayasin kami dito. Naisip ko po ibenta po ang mga medals ko. Kasi kapag pinatagal ko pa dun sa lagayan baka po mangalawang. Pero pinaghirapan ko po yun.

Gusto ko po ibenta kasi nahihirapan na po si Mama ng sobra. Kahit marami na kaming pinagdaanang pagsubok hindi niya po kami iniwan”, ani Kenneth. Dagdag na saad naman ni Chery, nagpapasalamat siya sa kanyang mga anak, dahil sa kabila ng kawalan ng oras niya para sa mga ito ay patuloy na nag-e-excel ang mga ito sa eskwela.

Dahil sa talagang naantig ang puso ng marami sa ginawa ni Kenneth, ay natulungan nga sila ng programang Jessica Soho, kung saan ay nakatanggap sila mula rito ng tulong na cash aid.

Maliban pa dito ay nabigyan din sila ng laptop at broadband na maaring magamit nilang magkapatid sa kanilang pag-aaral. Labis na kasiyahan naman ang nadama ni Kenneth at ng ina niyang si Cheryl, at pinasalamatan nga ang lahat ng tao na nagbigay ng tulong sa kanila.