Connect with us

Inspiring

Isang Abogado Ang Umani Ng Paghanga Mula Sa Mga Netizens Matapos Tanggapin Ang Alimango Na Ibinayad Ng Kliyente Sa Kanya

Published

on

Isang abogado ang naging agaw-pansin at nag-viral sa social media nito lamang nakaraan. Ito nga ay matapos ibahagi ng naturang abogado na nakilalang si Atty. Noel Allen Bose ang kanyang larawan kung saan ay bitbit niya ang isang bugkos ng mga alimango, kung saan ito umano ang ipinambayad sa kanya ng kliyente niya na malugod naman niyang tinanggap.

Sa larawan ngang ibinahagi ni Atty. Noel ay makikita na nang kinunan ito ay nasal abas siya ng korte at may dala-dala pa siyang attache case, habang bitbit niya ang bugkos ng alimango.

Ibinahagi ng naturang abogado na matapos ng naging hearing ay inamin ng kanyang kliyente na walang pera ang mga ito na maibabayad sa kanya, at nakiusap na kung maari ay ang huli na lamang nito na alimango ang maibayad sa naging serbisyo niya.

Cliet: “Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sa inyo?” Nang sabihin nga ito ng kanyang kliyente ay wala namang pag-aalinlangan at malugod ngang tinangggap ni Atty. Noel ang isang bugkos na alimango na ibinigay ng kanyang kliyente na huli nga ng mga ito.

Umani naman ng positibong mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naging post na ito ni Atty. Noel, at aminado nga siya nakakataba ng puso ang bawat mensahe na kanyang natanggap.
“Nakakataba ng tiyan ang alimang, (at nakakamanghid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Maraming salamat po!”, saad ng abogado.

Nagbigay pugay naman si Atty. Noel sa kanyang mga kapwa abogado na nanatiling masipag at tapat sa kanilang propesyon na patuloy ngang nagbibigay serbisyo at tulong sa kanilang mga kapwa Pilipino.

“Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado. Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipagg at dedikaso sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino.” Umabot na nga sa mahigit 100k na mga reaksyon at 30k shares sa Facebook ang post na ito ni Atty. Noel.