Connect with us

Uncategorized

Isang Ama Ang Magbibigay Ng Gantimpalang Sampung Libong Piso Kung Malalagpasan Ng Anak Ang Kanyang Pagsubok

Published

on

Sa panahon ngayon ay talaga namang marami ang umaangat ang timbang, mapamatanda o bata pa man. Kung kaya marami rin ang nagnanais na magpapayat, lalo na nga kung sila ay may okasyong pinaghahandaan o di kaya naman ay nais na maging fit at healthy ang kanilang pangangatawan.

Iba’t ibang mga pamamaraan nga ang ginagawa ng mga taong nais magbawas ng timbang upang ma-achieve ang goal nila na magpapayat, ang iba ay may kanya kanyang motibasyon at inspirasyon para mas mapadali ito sa kanila.

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay may isang ama na naging agaw-pansin ang post sa kanyang social media. Kung saan ayon nga sa kanya, ay gusto niya na maging fit ang healthy ang kanyang anak, ito ay dahil nga sa napapansin niya na unti-unti na ring lumulubo ang pangangatawan nito.

At upang bigyan ng motibasyon ang kanyang anak na magpapayat o magbawas ng timbang, ay kanya itong hinamon sa isang kasunduan, kung saan ito nga ay may kapalit na gantimpala kapag matagumpay na nagawa ng kanyang anak.

“See you in 5 months baboom! Mapapasayo kaya ang 10k? Abangan!!!!”, ang naging caption nga ng ama sa kanyang Fcebook post na kinilala ngang si Jeric Paulo De Jsus. Kalakip ng nasabing caption ay ang larawan ng kanyang anak na babae na si Jelaine Paola at ang kanila ngang kontrata o kasunduan sa isang hamon na kanyang ipinagawa rito.

Nilalaman nga ng kontrata ng mag-ama ay kinakailangan na ang timbang ngayon na 69 kilos ni Jelaine ay magawa nitong maibaba hanggang 50 kilos sa pamamagitan ng tamang pag-ehersisyo at pagkain sa loob lamang ng limang buwan. At kapag ito nga ay matagumpay na nagawa ni Jelaine ay tumataginting na sampung libong piso ang magiging gantimpala sa kanya ng ama niya.

Agad namang tinanggap ni Jelaine ang hamon ng ama, hindi lang dahil sa pera siyang motibasyon nito kundi dahil sa nais niya ring maging inspirasyon sa ibang mga kabataan.

Marami naman sa mga netizens ang kinagiliwan ang kasunduan na ito ng mag-ama, at hinahangaan nga ang ginawang paraan ng ama para bigayn ng motibasyon na magpapayat ang anak niya. Umani nga ng napakaraming shares at likes ang post na ito.