Connect with us

Inspiring

Isang Amang Security Guard Matiyagang Nagtitiis sa Pag-Ulam ng Sitsirya Makapag Padala Lamang ng Malaking Halaga Sa Pamilya

Published

on

Isa sa mga uri ng trabaho na talaga namang masasabi natin na delikado lalo na sa panahon ngayon ay ang trabaho ng isang security guard. Maliban kasi sa maghapon kang nakatayo at minsan pa nga ay nakabilad sa init ng araw,

ay nakatayo pa ang kanilang buhay para lamang proteksyon ang establishment kanilang pinagtatrabahuhan sa oras nga na ito ay hiningi ng pagkakataon.

Lingid naman sa ating kaalaman, ay marami sa ating mga kababayan na naghahanap-buhay bilang isang security guard ang ‘breadwinner’ ng kanilang pamilya, lalo na nga kung ito’y isang ama o nakatatandang kapatid na lalaki na may pinag-aaral na anak o di kaya naman ay kapatid.

At ang mga security guard ngang ito, ang talaga namang ginagawa ang lahat ng paraan para sila’y makatipid upang malaki ang halaga na maipadala o masustento nila sa kanilang pamilya.
Samantala, kamakailan nga lamang ay nag-viral sa social media ang isang nakakaantig na ginawa ng isang security guard para sa kanyang pamilya na nasa probinsya.

Naging laman nga ng social media nito lamang nakaraan, ang larawan ng isang security guard na umantig sa puso ng isang netizen na nakakita sa kanya na matiyagang nag-uulat ng tsitsiryang “Ding Dong”.

Ang larawan ngang ito ng nasabing security guard ay ibinahagi at kinunan ng netizens na kinilalang si Ralph Reymond Hermano Getanes. Ayon sa naging pagbabahagi ni Ralph, ay namataan niya umano ang security guard na kumakain at napansin nga niya na ang inuulam nito ay ang tsitsiryang Ding Dong. At sa pagtataka nga ay tinanong niya ito kung bakit nagtitiis itong mag-ulam ng nasabing tsistsirya,

kung saan ay sinagot din ito ng security guard na nagtitipid umano ito para malaki ang maipadalang sustento sa kanyang pamilya. Kuwento pa ni Ralph, sinabihan nga niya ang security guard na baka ito ay magkasakit dahil sa pag-uulam nito ng tsitsirya, kung saan ay sinagot siya nito na sanay na ito ngunit kita nga umano sa mata nito na naluluha ito.

Napag-alaman niya na kaya nga nagtitipid ng todo ang security guard ay dahil mayroon itong anak na pinapag-aral sa probinsya. Sinabi rin umano sa kanya ni manong security guard na umaasa ito na kapag nakapagtapos na ang kanyang anak sa pag-aaral ay magiging maayos na rin ang kanilang buhay.

Marami namang mga netizens ang naantig sa larawan na ito ng security guard. Ang iba ngang mga netizens ay na-realize kung gaano nagsasakripisyo ang mga magulang para lamang mabigyan ng magandang buhay at edukasyon ang kanilang mga anak, kagaya na nga lamang ng sakripisyo na ginagawa ng security guard para sa kanyang pamilya lalo na sa mga anak niya.