Inspiring
Isang Babaeng Badjao Na Maninisid Ng Pera Sa Pier Noon Akalain Nyong Isa Ng Ganap Na Guro At Master’s Degree Holder Ngayon

Tunay na nakakapagbigay ng inspirasyon sa marami sa atin kapag nakakarinig tayo ng mga kuwento ng tagumpay ng isang taong kahirapan ang nakagisnan na buhay. Talaga namang ang kanilang kuwento ay tunay na kahanga-hanga, lalo na nga kung kanilang ibinabahagi ang mga pinagdaanan at mga pagsubok na kanilang nalampasan sa kanilang buhay para lamang inaasam nilang magandang at matagumpay na buhay ay kanilang makamtan.
Ang gurong si Arlene Eje Alex ay isa lamang sa mga taong ang kuwento ng buhay ay kapupulutan ng inspirasyon, ito ay dahil sa lahat ng mga pagsubok na kanyang kinaharap sa buhay ngayon nga ay talagang masasabi niya na nakamit niya ang tagumpay na kanyang inaasam.
Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Arlene sa publiko ang kanyang napagdaanan bago nga niya nakamit ang matagumpay na buhay na mayroon siya ngayon. Ayon sa kanya, hindi aakalain ng marami na mula siya sa hirap, ito nga ay dahil talagang napakalayo na nito sa dati niyang buhay. Paglalahad ni Arlene, siya ay isang Badjao, at talagang kahirapan ng buhay ang kanyang kinalakihan.
Sa kabila naman ng kahirapan ng kanilang pamilya, sinikap umano ng mga magulang ni Arlene na buhayin ang kanilang pamilya. Ang kanyang ama ay nagsusumikap na magtrabaho upang sa murang edad nga ni Arlene ay hindi nito maranasan ang magtrabaho, ngunit nagkaroon ng karamdaman ang kanyang tatay kaya naman ito ay huminto sa trabaho.
At dahil nga sa pagkakasakit ng kanyang tatay, ay wala ng nagawa pa si Arlene kundi ang magbanat ng buto sa edad niyang 8-taong gulang upang kanya ngang matulungan ang kanyang ina na matustusan ang kanilang pamilya at ang pangangailangan nga ng ama niyang may karamdaman. Dito na nga umano si Arlene nagsimula na maging maninisid ng pera sa Pier.
“Eight years old po nag-start na akong manisid sa pier para lang po maka-survive sa araw-araw at may panustos sa pag-aaral”, pagbabahagi ni Arlene sa kanyang Facebook. Kahit nasabak agad sa trabaho sa murang edad, ay hindi naman pinabayaan ni Arlene ang kanyang pag-aaral, bagkus ang kahirapan pa nga na nararanasan ang kanyang naging motibasyon upang mas lalo pang magsipag at pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
Hindi nga nagtagal ay nagbunga ang lahat ng pagsusumikap ni Arlene, sapagkat matagumapay nga siyang nakapagtapos ng kolehiyo at matapos nito ay agad din siyang nakapasa sa board exam para sa pagiging isang guro na naging daan naman para makuha niya ang trabaho niya ngayon bilang isang guro sa isang pampublikong paaralan. Maliban pa dito, dagdag din sa tagumpay ni Arlene ang pagtatapos niya ng Master’s Degree.
Bagama’t ibang-iba na nga ngayon ang buhay ni Arlene ay hindi naman niya ikinakahiya ang buhay niya noon, bagkus ay proud siyang ibahagi ito sa iba upang kapulutan nga ito ng inspirasyon at motibasyon lalo na nga sa mga patuloy na nagsusumikap para makamit ang kanilang pinapangarap na tagumpay sa buhay.
