Connect with us

Inspiring

Isang Bata Nagpa Antig Sa Puso Ng Mga Netizens Matapos Gumamit Ng Isang Improvised Na Panulat

Published

on

Kamakailan lamang ay isang batang estudyante ang umantig sa puso ng maraming mga netizens. Ito ay matapos ngang mapansin ng kanyang guro na ang gamit nitong panulat ay isang improvised ballpen na siya lang din mismo ang gumawa upang mayroon nga siyang magamit na panulat sa paaralan.

Tunay nga namang sa mundong ating ginagalawan ay mayroong mga taong labis na nakararanas ng kahirapan, kagaya na nga lamang ng naturang bata na kahit sa simpleng bagay na panulat sa paaralan ay hindi pa magawang makabili dahil sa kawalan ng pera.

Mapapansin nga natin, na dahil sa hirap ng panahon ngayon ay maraming mga kabataan ang pinipili na lamang na huminto sa kanilang pag-aaral, lalo n a kung ang kanilang mga magulang ay wala ng kakayanan upang sustentuhan sila.

Sa kabila naman nito, ay may mga kabataan pa rin naman tayong nakikita na sa kabila ng hirap sa buhay ay pinipilit pa ring makapag-aral, upang mabigyang katuparan nila ang pangarap nila sa buhay.
Kagaya na nga lamang nito ay ang kuwento nga ng batang si Jan Kim, na kamakailan nga lamang ay talagang nagpa-antig sa puso ng maraming mga netizens.

Naging usap-usapan at nag-viral si Jan Kim sa social media ng ibahagi ng kanyang guro ang kanyang larawan, kalakip ang isang improvised ballpen na kanyang ginagamit sa pagsusulat. Base sa naging ulat, si Jan Kim ay nasa ikadalawang-baitang pa lamang sa elementarya sa paaralan ng Union Elementary School sa Sta. Rita Samar.

Ayon sa guro ni Jan Kim, sa tuwing siya ay mayroong ipinapagawang sulatin sa kanyang mga mag-aaral, ay madalas niyang napapansin si Jan Kim na tila nga may kakaiba dito.

Noong una nga umano ay hindi niya agad napagtanto kung ano ang tila tingin niya ay kakaiba dito, hanggang sa napagtuunan nga niya ito ng pansin at doon nga niya nakita na sa kanya pa lang mga mag-aaral na dapat ay lapis ang ginagamit dahil sa ika-2 baitang pa lamang ang mga ito, ay si Jan Kim pala ay gumagamit ng ballpen.

Nang lapitan niya umano si Jan Kim ay napansin nga niya na tinatago ng kanyang estudyante ang panulat na ginamit nito. Ngunit nang ito nga ay kanyang makita, ay saka niya nalaman na si Jan Kim pala ay gumagamit ng isang improvised ballpen sa kanyang pagsusulat.

Makikita nga sa larawan na ibinahagi ng guro na ang improvised ballpen na gamit ni Jan Kim ay gawa nito gamit ang ink chamber na nilagay lamang sa kahoy at tinalian ng goma.

Tunay nga namang na nakaka-antig ng puso ang estudyante, sapagkat upang magawa niya ang mga sulatin na ipinapagawa ng kanyang guro, kahit wala siyang lapis na panulat ay naisipan nga niyang gumawa ng improvised na panulat na kanyang magagamit.

Sa naging pagbabahagi pa ng guro, ay sinabi nito na talagang isang masipag na estudyante si Jan Kim at punong puno ito ng desdikasyon sa kanyang pag-aaral, dahil sa pangarap umano nito na maging isang guro sa hinaharap.