Connect with us

Inspiring

Isang Batang Babae Sa Sultan Kudarat Viral Dahil Sa Pambihirang Kulay Ng Mata

Published

on

Sa bawat nilalang na namumuhay dito sa daigdig ay may kaibahan ang bawat isa, pagkakaiba sa ugali o di kaya ay sa pisikal na kaanyuan. Ngunit minsan ay mayroon nga talagang mga tao na isinisilang na may kakaibang hitsura sa kanilang pisikal na anyo, kagaya na nga lamang ng mga mga taong pinanganak na may kundisyon na dwarfism, iba pa ngang kundisyon na nagpapakita ng kanilang pagkakaiba.

Dito sa ating bansa sa Pilipinas, ay batid natin na may mga indibidwal na may kakaibang kundisyon sa kanilang pisikal na kaanyuyan, at ang iba nga sa kanila ay mga kabataan na hikahos sa buhay at naninirahan sa malalayong lugar kaya naman hindi rin naabutan ng tulong.

Kabilang na nga sa mga ito ay ang batang babae na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media dahil sa naging agaw-pansin sa mga netizens ang taglay nitong kakaibang mga mata. Ang larawan ng naturang bata, ay ibinahagi ng netizens na nakilalang si Mark Chews, sa kanyang social media accounts.

Sa naging pagbabahagi ni Mark, ay inilahad niya ang ilang detalye patungkol sa batang babae. Ayon sa kanya ang naturang bata ay si Jhopye, at ito ay naninirahan sa Esperanza, Sultan Kudarat. Sa larawang ibinahagi ni Mark, kapansin-pansin ang taglay na kagandahan ng batang babae, ngunit ang mas umagaw ng pansin sa mga netizens ay ang mga mata nito na kakaiba ang kulay dahil sa ito nga ay kulay asul.

Sinasabi nga ng iba na pinaglihi umano ang bata sa laruang barbie doll kaya naman naging ganun ang kulay ng mga mata nito. Tunay naman na kakaiba para sa atin ang mga mat ani Jhopye, dahil sa hindi normal para sa isang purong Pinoy na tulad niya ang magkaroon ng ganitong kulay ng mga mata. Maliban pa nga sa kakaiba niyang mga mata, ay napag-alaman din natin na siya ay may kakulangan sa pagsasalita.

Samantala, iniisip naman ng marami na marahil dahil sa kahirapan ng buhay kaya naman naging ganito ang kundisyon ni Jhoype, dahil maaring dahilan ito upang hindi niya nakuha ang tamang nutrsiyon na kanyang kinakailangan nung siya ay ipinagbubuntis pa lamang ng kanyang ina. Ang pamilya ni Jhoype ay mahirap lamang, sa katunayan ay sa taas ng bundok sila naninirahan.

Ayon pa nga sa netizens na si Mark, na nagbahagi ng larawan ni Jhoypel, ay nais ng bata na makapag-aral ng mabuti sa kabila ng kanyang kalagayan. Nakaramdam nga umano siya ng awa para rito, kaya naman ibinahagi niya ito sa social media, dahil baka mayroong mga taong may mabubuting kalooban na nais na magbigay ng tulong para kay Jhoype.

Dahil naman sa ginawa ni Mark na pagbabahagi ng larawan ni Jhoype na nagpakita rin ng kundisyon ay buhay nito, ay maraming mga netizens ang talaga namang naawa para sa kundisyon ng bata. Hiling naman ng iba, nawa’y marami ang tumulong kay Jhoype na maipagamot ang kanyang kakulangan sa pananalita para mabigyan niya ng katuparan ang pangarap niyang makapag-aral ng mabuti.