Inspiring
Isang Binata Na Anak Ng Tindera At Tricycle Driver Na Nagpapatunay Na Ang Kahirapan Ay Hindi Hadlang Upang Matupad Ang Mga Pangarap

Sabi nga nila ‘libre ang mangarap’, ngunit batid naman natin na sa labis na kahirapan na nararanasan ng marami sa atin ay tunay namang hindi ganoon kadali ang bigyang katuparan kung ano man ang mga bagay na pinapangarap at inaasam natin sa ating buhay. Ngunit sa kabila nito ay marami na rin naman tayong mga kababayan na pinatunayan na ang kahirapan ay hindi hadlang para bigyang katuparan ano man ang pangarap mo sa buhay, basta’t mayroon kang sipag, tiyaga, determinasyon at diskarte sa buhay.
Marami na nga tayong natunghayan na kuwento ng pagtatagumpay ng isang tao, na kahit hirap nga ang kinalakihan ay nagawa pa ring magtagumpay sa buhay, ngunit sa kabila nga nito ay patuloy pa rin tayong bumibilib at nai-inspire kapag nakakarinig tayo ng bagong kuwento ng tagumpay na nagawa ng isang tao dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay.
Katulad na nga lamang ng binatang isang dreamer mula sa Bacolod na si Joshua Mahilum na muli ngang nagpatunay na kahit ikaw ay isang tao na lumaki sa kahirapan ay walang imposible na matupad mo ang iyong pangarap na makapagtapos sa pag-aaral, ito nga ay matapos niyang matagumpay na makapagtapos sa kolehiyo sa University of La Salles, na isa nga umano sa mga eskwelahan sa lugar nila na karamihang nag-aaral ay mga ‘rich kids’.
Si Joshua ay hindi kagaya ng kanyang mga ka-eskwela na mga rich kids, sapagkat ang kanya ngang ina ay isang tindera at tricycle driver naman ang ama niya, kaya naman payak lamang ang kanilang pamumuhay. Ngunit nakapasok nga sa magandang eskwelahan si Joshua dahil sa kanyang determinasyon at encouragement sa kanya ng ina niya. Nagawa nga ni Joshua na makapasok sa USLS dahil sa pag-apply niya ng scholarship sa mismong unibersidad at ganun din sa DOST kung saan ay pinalad nga siyang makapasa.
Dahil sa pagiging iskolar nga nni Joshua ay nagawa niyang makapag-aral sa magandang unibersidad at kalaunan ay matagumpay na maka-graduate ng kursong Chemical Engineering. Ibinahagi naman ni Joshua sa kanyang Facebook ang kuwento ng tagumpay niyang ito. Ayon nga sa binata, noon pa mang grade school at high school ay talagang mahusay na siya at nagtatapos ng may mataas na parangal,
kaya naman ng makapasok siya sa Unibersidad ng USLS ay ipinamalas niya ang kanyang ‘consistency’ kaya naman napanatili niya ang pagiging iskolar niya hanggang sa maka-graduate siya.
“Since elementary, I have been an honor student; present always in every recognition right; always the one with medals and ribbons; always one of the front sitters”, ang pahayag nga ni Joshua.
Talaga namang pinatunayan ni Joshua ang tagumpay ng isang tao ay hindi naibabase sa estado ng kanyang buhay, kundi sa determinasyon niya upang makamit ito.
