Connect with us

Inspiring

Isang Binata Viral Dahil Sa Napakaraming Bente Pesos Na Kanyang Naipon Mula Sa Paglalako Ng Gulaman At Isda

Published

on

Sa panahon ngayon na ang buhay at pahirap ng pahirap dahil sa pamahal ng pamahal din ang mga bilihin ay talaga namang marami sa atin ang gustuhin man na makapag-ipon ay nahihirapan ngang gawin ito dahil sa dami ng gastusin.

Ngunit may mga tao pa rin nga na sa kabila ng nararansang kahirapan, ay nagagawan pa rin ng paraan ang makapag-ipon kahit sa munting halaga na kanilang kinikita. Kagaya na nga lamang ng isang binata na nito nga lamang ay naging usap-usapan nga sa social media hanggang sa siya nga ay mabalita na sa telebisyon.

Nito nga lamang araw ng Lunes, ay naibalita sa telebisyon sa programang “24-Oras” ng GMA-7 ng mamahayag na si Oscar Oida ang naging matagumpay na pag-iipon nga ng 22-anyos na binata na kinilalang si Gerdan Tolero. Base sa naging ulat, napuno nga ni Gerdan ang isang tub ng pera na tig be-bente pesos, kung saan mula nga umano noong buwan ng Enero ay nag-ipon na ito ng 30-piraso na tig bebente pesos mula sa perang kanyang kinikita.

Dagdag pa nga ng nasabing binata, talagang pursigido siya makapag-ipon, at gumagastos nga lamang kapag talagang kinakailangan na. “Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, ‘yong mga wants, luho, ‘di ko muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko”, ani Gerdan. Ibinahagi rin nga ng 22-anyos na binata, na ang nagbigay inspirasyon sa kanya na mag-ipon ay nu’ng maranasan nga niya at ng kanyang pamilya ang talagang walang wala sila, dahil sa naranasan nga nila ang masunugan at wala man lang natira sa kanila.

Isa kasi ang pamilya ni Gerdan sa mga natupok ang tahanan ng magkaroon ng malaking sunog noon sa Tondo, Manila. Makikita naman sa mga tig bebente ngang pera na naipon ni Gerdan na talagang napakarami nito. Sa kahilingan naman ni Gerdan ay hindi na nga ibinahagi pa ang detalye kung magkano ang kabuuang inabot ng tigbe-bente pesos na kanyang naipon.

Ayon naman sa binata, nawa ay maging inspirasyon para sa marami ang kuwento at ginawa nga niyang ‘Ipon Challenge’. Samantala, tunay naman na mahalaga ang pag-iipon, dahil ito ang ating mahuhugutan kapag tayo ay dumaan sa matinding kagipitan, lalo na kung wala tayong malapitan.