Connect with us

Inspiring

Isang College Student Umani Ng Paghanga Mula Sa Mga Netizens Matapos Maka-Graduate Dahil Sa Pagsisikap Bilang Isang Delivery Rider

Published

on

Isa sa mga naging patok na trabaho ngayong panahon ng krisis ay ang mga delivery riders, kung saan sila ang nagbibigay serbisyo para sa ating mga kababayan na nangangambang lumabas ng kanilang mga tahanan upang bumili ng kanilang mga pangangailangan o pagkain.

At dahil sa kahirapan naman na dulot ng krisis ngayon sa ating bansa, ay marami nga sa ating mga kababayan, mapalalaki man o babae ang pinasok ang pagiging delivery rider para may kitain na maaring maitustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Maliban pa sa mga ito, ay may mga estudyante rin na ginawang extrang pagkakakitaan ang pagiging delivery rider, upang maitaguyod ang kanilang pag-aaral.

Samantala, isa na nga sa mga matagal ng delivery rider ng isang delivery company ay ang binatang si Oliver Calope na mula sa Cavite City. Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang kanyang kuwento, ito ay matapos niyang ibahagi sa isang Facbook group na naging daan sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo ang pagiging isa niyang delivery rider.

Makikita sa naging Facebook post ni Oliver ang naging pagbabahagi niya ng kanyang graduation photo, kung saan ay habang nakasuot nga ng toga ay bitbit niya din ang kanyang bag at uniporme na gamit niya sa trabaho bilang isang delivery rider.

Hindi naman maipagkakaila ang saya na nadarama ni Oliver dahil bakas sa kanyang mga ngiti sa larawan kung gaano siya ka-proud na maging isang delivery rider dahil ito ang tumulong sa kanya para mapagtapos niya ang sarili sa kolehiyo.

Dagdag pa ng binata, para makamit lamang ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo ay buong tiyaga niyang kinakaya ang hirap sa pagde-deliver lalo na nga kung maulan o sobrang mainit ang panahon.

Mababasa rin sa kanyang naging post ang pasasalamat niya sa kumpanya na kanyang pinagtrabahuan at sa mga taong naging customer niya na nagbibigay ng tip sa kanya kada siya ay bumabyahe.
“Salamat LALA dahil sa’yo naka MOVE ako para maka-graduate. Mahirap [dahil] ulan at init ang kalaban pero lahat kinaya para sa pangarap makapagtapos ‘di tayo susuko (magkakasama) naman ulit tayo para makapag-Board exam ipon ulit.”

“Salamat sa mga taong nagbigay ng tip sa kada biyahe at nagbigay inspirasyon sakin para magpatuloy kay LALAMOVE booking pa more”, ani Oliver.

Ang Facebook post na ito ni Oliver ay umani ng maraming paghanga mula sa mga netizens, dahil sa talaga namang nakakaantig ang kuwento sa likod ng kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo. Umani na nga ng halos 20k reaksyon at 6k na shares ang Facebook post niyang ito.