Connect with us

Inspiring

Isang Dating Beauty Queen Isa Na Ngayong 2nd Lieutenant Ng Philippine Army Reserve

Published

on

Hinahangaan ng marami ngayon ang dalagang si Zahra Bianca Saldua, dahil mula sa kanyang pagiging isang beauty queen ay kanyang napagtagumpayan tuparin ang pangarap niyang magsilbi sa ating bansa kung saan ngayon nga ay isa na siyang second lieutenant ng Philippine Army Reserve Force.

Si Bianca ay kino rohan noon bilang Miss Air Philippines 2018, kung kaya marami ang hindi inakala na sa angking ganda at pustura nito ay may kakayahan rin pala itong makipagsabayan sa lakas ng mga kalalakihan.

Ayon sa mga naging ulat, isa sa mga naging dahilan kung bakit gusto ni Bianca na sumabak sa pagiging reservist ay dahil noong siya ay nag-aaral pa ay nagsasabi siya sa ROTC. At dahil nga dito ay tumatak sa kanyang isipan na isa sa mga nais niyang maging tungkulin ay ang paglingkuran ang ating bansa.

Sa social media account ni Bianca ay ibinahagi niya kung gaano kalaking karangalan para sa kanya ang naging tagumpay niya na makamtan ang pangarap niyang maging tagapag serbisyo sa ating bansa, kung saan ngayon nga ay isa na siyang second lieutenant reservist.

“I have been with the Army for 3 years as their host for many events and saw the love they have for the country and it’s people. This is a dream come true and I hope I can influence more of our youth to the people as well”, ani Bianca.

Taong 2016 nga ng maging isang host si Bianca sa ‘Senior Leaders Conference; ng mga army, at sa halos tatlong taon niyang karanasan na iyon ay mas namulat pa nga siya sa kagustuhan niya na maging isang army reserve. At doon na nga nagsimula siyang maging aktibong miyembro ng Philippine Army Reservist.

Samantala, sa kanya ng ang naging matagumpay na pagiging isang second lieutenant ay pinasalamatan ni Bianca ang mga opisyal na tumulong sa kanya at naglaan ng oras na gabayan iya para maging matagumpay siyang maabot kung ano nga ang naabot niya ngayon.

Pinasalamatan rin niya ang lahat ng naniniwala at sumuporta sa kanyang kakayahan, lalo na ang kanyang pamilya, na isa sa mga dahilan kung bakit siya nag patuloy at mas lalo ngang pagbutihin ang paglilingkod sa ating bayan.

Si Bianca nga ay maituturing na isang inspirasyon sa lahat, dahil pinatunayan lamang niya na walang imposible sa isang tao na abutin ang kanyang pangarap basata ito’y kanyang pagsisikap ang abutin.
Sa mga gustong maglingkod sa ating bansa, maging magandang motibasyon sana si 2nd lieutenant Zahra Bianca Saldua.