Connect with us

Entertainment

Isang Estudyante Ang Nakamamanghang Iginuhit Ang Kanyang Idolong Si Kobe Bryant Sa ChalkBoard

Published

on

Sa mga kabataan, lalo na sa mga kalalakihan, kapag pinag-uusapan ang larong basketball, ay isa ang yumaong basketball legend na si Kobe Bryant ang una sa listahan na kanyang iniidolo.

Tunay nga naman na si Kobe Bryant, ay isa sa mga mahuhusay na basketbolista na talaga namang hinangaan ng maraming netizens.

Kung kaya naman marami ang nalungkot ng ang 41-taong gulang na basketbolista ay maagang yumao, ito ay ng masangkot ito sa isang trahedya kasama ang isa sa mga anak nito, kung saan ay bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano noong ika-27 ng January 2020.

Ang balita ngang ito ay talagang ikinalungkot ng maraming tagahanga ni Kobe, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Samantala, isa sa mga iniidolong Pinoy kay Kobe Bryant na talaga namang ikinalungkot ang kanyang maagang pagpanaw ay ang estudyanteng si John Herbert Santiago, isang Grade 12 student na nag-aaral sa Panipuan High School.

Bilang pagpupugay, at tribute sa yumaong idolo, ay iginuhit ni John Herbert si Kobe Bryant sa kanilang black board sa classroom, gamit lamang ang chalk. At dahil sa nakamamangha ang ginawa niyang pagguhit ay hindi ito ipinasa ng kanyang guro, bagkus ay kinuhaan ito ng larawan at ibinahagi sa social media.

Kumalat nga sa social media ang drawing na ito ni John Herbert, kung saan, marami sa mga netizens ang talaga namang napamangha sa husay niya sa pagguhit dahil sa kuhang-kuha niya ang mukha ni Kobe Bryant.

Ang guhit ngang ito ni John Herbert ay na-feature ng “Bayan Mo, Ipatrol Mo”.
“Maraming salamat po Bayan Mo, Ipatrol Mo sap ag feature sa chalkboard art ko, R.I.P BLACK MAMBA” ang naging saad nga ni John Herbert.

Dahil naman sa talagang kahanga-hanga ang chalkboard art na ito ng binata, ay marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento para sa husay ng binata.
“It is a good drawing, here the student shows “talent”, I hope shows the same in the time for exams.”

‘WOW! Bukod sa nakaka-touch na tribute niya kay Kobe B, ang galing ng batang ito! WOW lang talaga!” “This boy is so TALENTED! Look at his masterpiece in his profile… sobrang galing. To John Herbert Santiago, do have the mentally that KB had, and you will succeed in life just like him.”

“Talented ka bata, sana noon nagawa mo na yan para makita ni Idol natin. Pero masaya siya ngayon lalo’t alam niya marami ang nagmamahal sa kanya.”

“Bukod sa artistic expression marunong din magpresent ng inner feelings sa subject niya. Artistics at intelligent sa Art.” Ano ang masasabi niyo sa ipinakitang talento ng batang si John Herbert? At ang naging Tribute niya para sa iniidolong si Kobe Bryant?