Inspiring
Isang Estudyante Na Nakapagtapos Ng Kolehiyo Dahil Sa Kanyang “Sipag At Disrkarte” Inspirasyon Ang Hatid Sa Marami

Ang edukasyon ay itinuturing na kayamanan ng kahit sino man, ngunit hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng kakayahan na matustusan ang pag-aaral upang magkaroon ng mataas na edukasyon ito nga ay dahil na rin sa kahirapan. Sa kabila naman ng kahirapan ay mayroon pa ring mga kabataan na gumagawa ng paraan upang makapag-aral dahil sa kagustuhan nilang magkaroon ng edukasyon para pagdating ng panahon ay makatulong sila na makaahon sa hirap ang kanilang pamilya.
Si Anne Desiderata ay isa lamang sa mga kabataan na sa kabila ng kakapusan sa buhay ay labis na nagsumikap upang mairaos ang kanyang pag-aaral. Hindi nakayang suportahan ng mga magulang ni Anne ang kanyang pag-aaral dahil nga sa kahirapan ng mga ito, ngunit sa kabila nito ay hindi ito naging hadlang sa dalaga upang hindi makatuntong sa kolehiyo at makamit ang diplomang kanyang inaasam.
Upang makapag-aral nga sa kolehiyo ay pinagsabay ni Anne ang pag-aaral at pagtatrabaho, habang siya nga ay kumukuha ng kursong Electronics and Communication Engineering sa Pamantasan ng Cabuyao, ay nagtatrabaho nga siya bilang part-timer.
Ayon kay Anne, siya ay tumatanggap n iba’t ibang klase ng trabaho paglalabandera, student assistant at maging portrait artist. Pinasok din niya ang online selling para kahit papaano ay may maibibili din siya ng ilang mga kagamitan niya sa eskwela.
Kalaunan nga ay nakapagsimula si Anne ng sarili niyang tie-dye business na Dapit-Hapon, ang mga ito ay kanya ngang ibinebenta sa kalye. Dahil sa kasipagan niya at pagiging madiskarte ay hindi lamang nga ang pag-aaral niya ang kanyang natustusan kundi maging pangangailangan ng kanyang pamilya.
Hindi rin nagtagal ay nakamit na ni Anne ang inaasam niyang diploma, dahil sa kasipagan niya at pagiging matiyaga sa buhay ay nagawa nga niyang mairaos ang kanyang pag-aaral. Proud naman niyang ibinahagi ang kuwento ng kanyang tagumpay sa social media, na nagbigay inpirasyon naman para sa marami.
“Being able to finish college is a privilege, and I would like to leave a piece of advice to some kids out there. Do not take your study for granted (specially if somebody sacrificed to provide your financial needs), collect great experiences and learn from those”, ani Anne. Nag-iwan rin ng munting payo ang dalaga para sa mga tulad niyang estudyante na nakakaranas din ng kahirapan. “Do not be afraid to try, learn from your mistakes, and strive for excellence. The whole universe will conspire and meet you there.”
