Connect with us

Inspiring

Isang Estudyante nNakakaproud Ang Isang Anak Ng Mangingisda Nakakuha Ng Karangalang “Magna Cum Laude

Published

on

Marami sa ating mga kabataan ngayon ang hind nakakapag-aral dahil na rin sa kahirapan ng buhay ng kani-kanilang mga pamilya. Hindi nga naman ganoon kadali ang makapag-aral lalo na kung ikaw ay mula sa isang pamilya na sapat lamang ang kinikita para sa pang-araw araw na pangangailangan ng buong pamilya.

Ngunit para sa isang batang may pangarap sa buhay tulad ng 20-taong gulang na dalaga na mula sa Cebu na si Regine Villamor ay hindi magiging dahilan para sa kanya ang kahirapan para hindi niya maabot ang kanyang mga pangrap lalo na ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral.

Mula sa isang simpleng pamilya si Regine, ang ikinabubuhay lamang ng kanilang pamilya ay ang pagiging isang mangingisda ng kanyang ama. Ngunit kahit pa nga ba sapat lamang para sa pang-araw na gastusin para sa pamilya ang kinikita ng ama niya, ay hindi ito naging hadlang sa dalaga upang hindi siya makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Ang mga pagsubok sa buhay, suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya ang ginawang inspirasyon at motibasyon ni Regine upang makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. At ngayon nga ay matutupad na nga ang pangarap ni Regine na makapagtapos sa kolehiyo, at ang nakakahanga pa nga sa dalaga ay magtatapos ito bilang Magna Cum Laude ng kanyang paaralan sa University of San Jose-Recoletos, Cebu City.

Sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa dalaga, ay ibinahagi nito kung paano ang hanap buhay ng kanyang amang mangingisda na si Mang Raul. Ayon sa dalaga, madaling araw kung pumapalaot ang kanyang ama, at minsan ay umuuwi ito na maraming huli ngunit may mga pagkakataon umano na wala din ni isang huli ang ama.

Kwento pa nga ni Regine, nakadepende rin sa panahon ang hanap-buhay ng kanyang ama, dahil kung may bagyo ay hindi ito nakakapalaot para mangisda.Kung seswertehin din umano, ay umaabot naman sa 700 pesos sa isang araw ang kinikita ng kanyang ama sa pangingisda nito.

Ang ina rin mismo ni Regine ang nagtitinda ng mga isda na huli ng kanyang ama. Ito ay tinitinda sa may kalsada malapit lamang sa kanilang bahay, at minsan nga pag-uwi niya mula sa eskwelahan ay tumutulong din siya sa ina sa pagtitinda nito.

Hindi nga naging madali ang pinagdaanan ni Regine sa kanyang pag-aaral, dahil kailangan niyang mawalay sa kanyang pamilya at manirahan muna pansamantala sa boarding house dahil na rin sa malayo ang kanilang bahay sa kanyang pinapasukang eskwelahan.

Pagbabahagi pa nga ni Regine, idinidikit niya sa wall ng kanyang kwarto sa boarding house ang larawan ng kanyang pamilya, upang kapag nararamdaman niya ang panghihina ng loob ay tinitingnan lamang niya ang mga larawan at ito na nga ang nagbibigay lakas loob sa kanya. Dahil rin sa pagkakaroon niya ng mataas na marka, ay nakakuha siya ng 50% discount sa tuition ng kanilang paaralan.

At bilang isang anak ng mangingisda na magtatapos ng Magna Cum Laude sa kanilang klase, ay nagbigay ng payo si Regine para sa mga mag-aaral ngayon na wag sumuko sa kanilang mga pangarap kahit pa maraming pagsubok ang pinagdaraanan nila sa kanilang buhay. Ang pagiging determinado at optimistic sa pagtupad ng pangarap sa buhay ang magiging sandata ng sinoman para matupad ito. Gawin rin umanong inspirasyon sa pag-aaral ang suporta at pagmamahal ng pamilya.