Entertainment
Isang g Ganap Na Teenager Si Xia Vigor Matapos Magdiwang Ng Kanyang Ika-13 Taong Gulang Na Kaarawan

Teenager na ngayon si Xia Vigor! Masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-13 taong gulang na kaarawan. Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang na ng dating child star na si Xia Vigor ang kanyang ika-13 gulang na kaarawan, kaya naman masasabi natin na ngayon ay dalaga na nga at ganap ng ‘teens’ ang batang noon ay kinagigiliwan natin dahil sa kanyang angking kagalingan at kagandahan.
Sa ibinahaging larawan ni Xia sa kanyang Instagram, ay makikita na sa isang beach niya napiling magdiwang ng kaarawan. Kalakip ng naturang larawan ay ang caption niya, kung saan ay kanya ngang pinasalamatan ang lahat ng taong naghahanda para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Inihayag din niya ang kanyang kasiyahan dahil sa napakaraming birthday greetings na kanyang natanggap, lalo na sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya.
“Thank you to all those people who arranged everything for my birthday,” saad ni Xia. “I really appreciate all the love and support and for making so much effort to make me happy today and thank you for creating this #XiaIsNowThirTEEN hashtag.” “So everyone who wants to greet me can use it and I can read all your greetings and messages and I will try to reply as much as I can. Thank you so much. I love you all. Thank you for making my birthday really special.”
Agad namang bumuhos ang napakaraming pagbati para kay Xia. Iba nga sa mga nagpaabot ng pagbati ay mga kasamahan nito sa industriya tulad na lamang nina Yam Concepcion, Nikki Valdez at Ria Atayde. “Happy Birthday, baby girl!!!” ani Nikki. “Happy birthday beautiful girl!” saad naman ni Ria.
“Happy birthday xia!! you’re still my baby girl!!!” ani naman ni Yam.
Samantala, nagawa pa ngang mag-TikTok ni Xia habang siya ay sakay ng isang glass-bottomed boat.
Matatandaan na si Xia Vigor ay nakilala ng publiko ng siya ay sumali sa “Your Face Sounds Familiar: Kids” noon ng ABS-CBN kung saan ay kanya ngang ipinamalas ang husay at galing niya sa pag-gaya kay Taylor Swift.
Maliban pa dito, ay naging kalahok din siya noon sa segment na “Mini Me 2” ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime kung saan siya ang kauna-unahang itinanghal na Grand Winner.
Dahil sa kanyang pagkawagi sa “Mini Me 2” ay nagbukas ang maraming oportunidad kay Xia, at siya ay nabigyan ng pagkakataon na ipinamalas ang husay niya sa pag-arte ng mapabilang siya sa iba’t ibang mga serye at pelikula ng ABS-CBN.
