Connect with us

Entertainment

Isang Grab Driver Ibinahagi Kung Anong Klase Ng Pakikitungo Ang Naranasan Niya Sa Aktor Na Si Jerome Ponce

Published

on

Marami na tayong mga kilalang celebrity, na dahil sa sobrang biyaya at pagpapala ang natatanggap nila sa kanilang buhay at karera ay gumawa sila ng mga charity works or nagbibigay ng mga donation sa mga nangangailangan upang sa pamamaraang ito ay maibalik nila sa iba ang mga biyayang kanilang natatanggap.

May ilan pa ngang nga personalidad sa industriya na isinasapubliko ang pagtulong na kanilang ginawa upang magbigay inspirasyon sa iba, ngunit may ilan din naman na tumutulong ng hindi na ipinabatid pa sa iba.

Tulad na lamang ng isang aktor at kanyang mga kaibigan, na hindi natin aakalain na nagawang magbigay ng malaking halaga para sa isang kapuspalad na nangangailangan ng kanyang pagpapagamot sa hospital.

Ngayon nga ay hinahangaan ang young-actor na si Jerome Ponce, dahil sa kanyang naging pagtulong sa isang grab driver. Ang 22-taong gulang na aktor at kanyang mga kaibigan ay nagbigay ng halagang 300,000 sa isang grab driver na nangangailangan ng pera sa kanyang pagpapagamot.

Matatandaan na naging popular si Jerome Ponce, ng tumatak sa marami ang kanyang naging magaling na pag-arte sa isa sa kanyang nagawang proyekto at ito ay ang “The Good Son”. Isa ngang netizens ang nagpost sa kanyang twitter account ng conversation nila ng isang grab driver na noon naging driver pala ng binatang aktor.

“Sumakay kami ng grab then suddenly nagkwento na yung driver ng buhay niya.”
“Amo ko si Jerome Ponce, nong mahospital ako tumulong siya sa akin, nagbigay siya ng 300,000.”
“Nagbigay din sina Janella, Joshua at Loisa.”

Hindi naman ibinigay pa ng netizens, kung ano ang pangalan ng naturang grab driver, pero ayon nga sa kwento nito ay isang mabuting tao ang binatang aktor at maging ang mga kaibigan nito.

Ngayon, ay hindi nga lamang sa pagiging isang magaling na artista hinahangaan ang binata ng aktor na si Jerome Ponce, dahil mas hinangaan panga ng mga netizens sa kanya ang pagiging isa niyang matulungin.

Maging ang mga kaibigan ng nasabing aktor, na nagpa-abot din ng kanilang tulong sa nasabing grab driver ay umani rin ng iba’t ibang positibong komento dahil sa pagiging matulungin ng mga ito.