Connect with us

Inspiring

Isang Homeless Man Ang Hinanggaan Matapos Ibalik Ang Pitaka Na May Malaking Laman Sa Tunay Na May Ari

Published

on

Ang pagiging isang homeless ay isa nga sa mga bagay na talaga namang hindi pinangarap ninuman. Pero dahil sa hirap ng buhay, at hindi naman lahat ay pinagpala na magkaroon ng maayos na pamumuhay o tahanan ay marami tayong mga nakikitang homeless person sa ating kapaligiran.
May iba nga sa mga homeless person ang nagagawa pang hamakin ng ibang taong pinagpala sa buhay, kaya naman talagang nakakadurog ito ng puso para sa kanila. Yong tipong wala na nga silang matirhan, hahamakin pa imbis na sila ay tulungan.

Samantala, kung ikaw ba ay isang homeless person at nakakita ka ng isang pitaka na naglalaman ng malaking halaga ng pera? Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Sa kabila ng gutom na nararamdaman mo? Maiisip mo pa kaya ang ibalik ito?

Isang homeless person mula sa bansang Thailand ang ngayon ay naging inspirasyon para sa marami, at namangha dahil sa naging pagababago sa buhay niya matapos niyang gawin ang isang bagay na talaga namang kahanga-hanga. Napulot ng isang homeless person na si Waralop ang mamahaling Hermes wallet ni Niity Pongkriangyos na naglalaman ng mga credit card nito at halaga ng salapi na aabot sa THB 20,000 o PHP 30,000 sa pera ng Pilipinas.

Sa kabila ng gutom na kanyang nararamdaman ay hindi nagkaroon ng anumang interes si Waralop na angkinin ang pitakang kanyang nakita, bagkus ay dinala niya ito sa estasyon ng pulis upang mahanap ang totoong may-ari nito.

Laking pasasalamat naman at paghanga ang nadama ng may-ari ng pitaka na natagpuan ni Waralop.
“I was totally surprised when the authorities told me they had my wallet as I didn’t even know I’d lost it.”
“If it was me in that position with no money, I probably would have kept it.” Sa mga ganitong pangyayari nga ay kadalasang naririnig at nasasaksihan natin ang pagbibigay pasasalamat at munting halaga para sa taong nakagawa ng ganitong katapatan sa isang tao.

Ngunit sa naging katapatan ni Waralop, ay higit pa sa salapi o pagkain ang binigay na gantimpala at biyaya sa kanya ng may-ari ng wallet na napulot at ibinalik niya. Isang apartment na matitirhan at trabahong mapagkakakitaan ang ipinagkaloob kay Waralop, kaya naman talagang malaking biyaya ito sa kanya bilang isang homeless person ay mayroon na siyang bahay na matitirhan.

“He was homeless and just a few coins in his pocket and still handed in it. That shows a good, honest person. Just the kind of staff we need.” Maliban pa nga sa apartment at biyayang ipinagkaloob kay Waralop, ay may pahabol na biyaya pa ang asawa ni Nitty na si Tarika Patty. Dahil sinamahan din nito si Waralop na mamili ng ibang pangangailangan nito tulad ng mga bagong damit at necessities nito, upang makapagsimula na nga talaga ito ng bago at maayos na pamumuhay.

Ang kwento nga ng katapatan ni Waralop ay nagpapatunay lang na kapag ang isang tao ay gumawa ng tama at kabutihan sa kapwa nito ay higit na pagpapalain. Ayon nga kay Patty, na siyang nagbahagi ng kwentong ito sa social media ay matagal ng naninirahan sa kalye si Waralop at minsan pa nga ay sa Huay Kwang MRT Station pa ito nagpapalipas ng gabi at nakikitulog.

“He is well and eating healthy. He was asking if this was all a dream. Haha. Doing good can certainly make one very happy life.” Hindi naman maipaliwanag ang nararamdamang kasiyahan ni waralop sa biglang pagbabago ng kanyang buhay. “I’m so grateful to be given this change to turn my life around. Having a clean bed to sleep it makes me so happy now.” Lubos nga rin ang naging pasasalamat ni Waralop para sa mga taong may mabuting kalooban na tinulungan siya na mapaayos ang takbo ng kanyang buhay, bilang kapalit sa katapatan na kanyang ginawa.