Connect with us

Inspiring

Isang Katutubong Agta Matagumpay Na Nakapagtapos Ng Pag Aaral Sa Kabila Ng Naranasang Mga PambuBully Sa Kanya

Published

on

Lahat namam tayo ay mayroong pangarap na nais makamit sa ating buhay, at kahit ano pa man nga ang estado o katayuan natin sa buhay, ay hindi nga ito magiging hadlang upang mabigyan natin ng katuparan ano man ang ating nais marating sa buhay.

Ito ang pinanghawakan ng 30-taong gulang na katutubong Agta mula sa Cagayan na si Zeny Sibayan Cepeda. Kung saan sa kabila nga ng mga naranasan niyang pambu-bully at pang-aalipusta dahil sa kanyang hitsura habang siya ay nag-aaral ay lahat nga ito ay kanyang nalagpasan at napagtagumpayan nga niyang maabot ng pangarap niya.

Sa kabil nga ng lahat ng pambu-bully kay Zeny, ay matagumpay naman siyang nakapagtapps ng kolehiyo sa Saint Anthony’s College sa Cagayan na may kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English. Ang natamo nga niyang karangalan at pangarap niyang ito, ay dala-dala niya para sa kanyang enthnic community sa Barangay Diora-Zinungan sa Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa ulat, si Zeny ay ang tanging degree holder sa kanilang komunidad na binubuo nga lamang ng 110 na mga miyembro. Bitbit ang kanyang pangarap bilang siya nga ang panganay sa kanilang pitong magkakapatid at sa tulong na din ng isang doktura ay ginawa nga ni Zeny ang lahat ng kanyang makakaya at talagang nagpursige siya upang makapagtapos ng kolehiyo hindi lamamg para sa sarili niyang pangarap kundi para din sa kanyang kapwa katutubo.

Samantala, ayon kay Zeny si Dra. Zsa zsa Meneses ang isa sa mga nagtulak sa kanya na magtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, ito nga ay ng minsang dumalaw sa kanilang komunidad ang doktora para sa isang outreach program. Sa edad nga na 25 ay tinulungan si Zeny ng nasabing Dra. para makapag-aral.
Para nga kay Zeny ay isang kayamanan ang naging pagtatapos niya ng pag-aaral, at ang maipakita niya sa mga ka-tribu niya na posible para sa kanila ang makapag-aral.

“Napakasaya ko dahil ang pangarap kong makapagtapos at maipakita sa aking tribu na kaya namin sumabay at nagawa ko”, saad ni Zeny. Pagbabahagi pa niya, madami siyang hindi magandang karanasan sa buhay kabilang na nga rito ang mga naranasan niyang pambu-bully dahil sa katayuan sa buhay. Nabago nga lamang umano ang trato sa kanya ng siya ay makapasok na sa St. Anthony’s College Cagayan na nagbigay nga sa kanya ng full scholarship hanggang maka-graduate.
Tunay namang isang karangalan para sa tribu ni Zeny ang tagumpay na kanyang nakamit.