Connect with us

Inspiring

Isang Lady Guard Ang Naghatid Ng Inspirasyon Dahil Sa Naging Matagumpay Na Pagtatapos At Makuha Bilang Isang Dean’s Lister

Published

on

Hindi nga naman lahat ng tao ay biniyayaan ng marangyang buhay, karamihan sa atin ay lugmok sa kahirapan at kinakailangan talagang kumayod upang makamit lamang ang pinapangarap natin na masaganang buhay.

Tunay namang nakaka-inspire kapag tayo ay nakakarinig ng kuwento ng tagumpay ng isang indibidwal na mula sa kahirapan ng buhay ay matagumpay na nakamit ang kanyang pangarap sa buhay dahil sa kanyang naging pagsisikap.

Ganito nga ang nakak-inspire na buhay ng estudyante na isa ring lady guard na si Arlyn Ramos. Kamakailan lamang ay naitampok sa Facebook page ng Bulacan University ang kuwento ng 27-taong gulang na lady guard sa Bulsu Capture.

Sa dalawang larawan ngang ibinahagi ng naturang Facebook ay makikita si Arlyn na nakasuot ng kanyang uniporme na pang lady guard, at sa isa naman niyang larawan ay makikita na siya ay nakasuot ng toga na masayang nakangiti. Sa caption naman ng larawan, ay mababasa ang naging kuwento ng tagumpay ni Arlyn na matupad ang pangarap niyang pagtatapos ng kanyang kurso.

“Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayon sa kursong BIT Major in Food Service Management at isa ring Dean’s Lister.
“2016 ng magsimula akong maging isang lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula pa taong 2019.

“Naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang Tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin. “Nagsumikap ako magtrabaho at pagtapusin ang sarili ko.”

Ayon pa sa ilang mga naging ulat, kahit na may gastusin si Arlyn sa kanyang pag-aaral, ay patuloy pa rin siyang nagbibigay ng pera sa kanyang Ama, kung saan ang mula ito sa perang kanyang kinikita bilang isang security guard sa naturang paaralan.

“Hindi po ganun kalaki ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko, para sa kanya at sa pangungupahan ko ng bahay”, saad ni Arlyn ng siya ay makapanayam ng GMA news.

Naibahagi din ni Arlyn na ang pangarap niya talaga ay maging isang chef sa isang cruise ship, ito nga ay upang mas mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang ama. Hiling ni Arlyn sa ama ay ang mahintay nito na matupad niya ang pangarap niya, dahil nais niyang maibigay nga sa ama ang lahat ng pangangailangan nito.

“Sa Tatay ko is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin.”
“Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga”, ani Arlyn.