Connect with us

Entertainment

Isang Lalamove Driver Proud Na Pinasalamatan Ni Maritoni Fernandez Dahil Sa Ipinakita Nitong Katapatan

Published

on

Sa panahon natin ngayon, ilang mga delivery employee’s ng iba’t-ibang kumpanya ang nakakaranas ng hirap na gampanan ng maayos ang kanilang trabaho dahil na rin sa mga ipinapatupad na kautusan at batas ngayon kontra sa pagkalat ng krisis p*ndemic.

Masasabi nga natin na isa sa maituturing na mga bayani ngayon ay ang ating mga delivery drivers, dahil sa kabila ng banta ng kumakalat na krisis ay ginagawa pa rin nila ang kanilang trabaho na makapag hatid ng mga order na pagkain o pangangailangan ng kanilang mga customer.

Sa kabila din ng hirap ng kanilang trabaho at hirap ng buhay ngayon ay napapanatili pa rin ng ilan nating mga kababayang delivery workers na maging matapat sa kanilang trabaho at isa na dito ang isang lalamove driver na ipinakita ang kanyang katapatan sa isa niyang customer na kapitbahay ng isa sa mga aktres na si Maritoni Fernandez.

Isang lalamove driver na nagngangalang Jerome Gulang, ang matapat na ibinalik ang isang envelope na naglalaman ng salapi na aabot sa Php 130,000 sa kanyang customer.Sa Instagram Post ni Maritoni Fernandez ay proud nitong ibinahagi at pinasalamatan ang Lalamove driver na si Jerome Gulang dahil sa ipinakita nitong katapatan.

Shout out to our neighbors Lalamove driver who was so honest today. She was a little dazed when she gave the wrong envelope to him this morning. 130k cash to be exact.Jerome Gulang was already in Cubao when he realized she had given him the money instead of the package he was supposed to be delivering and went all the way back. you are an angel and the Lord Jesus will bless your honest heart, Jerome.

Kalakip nga ng post na ito ng aktres na si Maritoni Fernandez ay ang isang larawan ng nasabing delivery driver na si Jerome Gulang.Nakita umano ng delivery driver na si Jerome ang naturang enveloped na may malaking halaga ng salapi sa kanyang kahon, at hindi umano ito nagdalawang isip na ibalik ito sa may-ari. Kaya naman mula sa Cubao ay agad nagbalik sa bahay ng kanyang customer ang lalamove driver.

Umani naman ng maraming papuri mula sa mga tagahanga ni Maritoni Fernandez si Jerome Gulang, at may ilan din na nagsabi na sana ay mas marami pang mga mamamayan ang pairalin ang katapat sa kabila ng hirap ng buhay.

Masasabi nga natin na talagang isang mabuti at tapat na tao si Jerome Gulang, dahil sa kabila ng krisis at kahirapan ng buhay na dinaranas ng marami sa atin ngayon ay nagawa niyang ibalik sa totoong may-ari ang pera ng kanyang nakita.