Connect with us

Inspiring

Isang Lola Nag-Ipon Mula Sa Kinikita Niya Sa Pagtitinda Ng Gulay Maibili Lamang Ang Cellphone Ang Kanyang Apo Para Sa Online Class Nito

Published

on

Isang larawan ng mag-lola ang agad nag-viral online matapos itong ibahagi ni John Mico Tan sa social media. Agad itong napansin ng mga netizens, dahil sa kakaibang damdamin na hatid ng kwento ng larawan na ito ng mag-lola.

Base sa kwento ni Mico, nasa isang mall siya sa Muntinlupa at nag-aantay ng kanyang order ng mapansin niya ang kakaibang tuwa at saya ng isang bata.

At dito nga ay nalaman niya na, kaya masaya ang bata ay dahil binilhan siya ng kanyang lola ng isang cellphone na maaari niyang gamitin kapag natuloy ang klase-online.

Ayon pa sa photo uploader, ang mapagmahal na lola sa kanyang apo ay kinilala bilang si Nanay Emma Abucay Monta, isang vegetable vendor.

Kinabukasan nga, matapos ang naging pag-upload niya sa larawan ng mag-lola, ay binisita ni Mico si Nanay Emma at dito niya nga nalaman na ang kinikita nito kada araw ay nasa 20-50 pesos kada araw sa pagtitinda nito.

Ang kinikitang pera umano ni Nanay Emma, ay kanyang iniipon hanggang sa mabuo na nga niya ang halaga ng pera na kinakailangan niya upang maibili ng cellphone ang kanyang apo, na labis ngang ikinasaya nito.

Umantig nga naman sa damdamin ng marami ang larawang ito dahil sa likod ng larawang ito ay malalaman natin ang sakripisyo at pagmamahal ng isang lola sa kanyang apo.

Kahit nga naman hirap sa buhay, at may krisis na pinagdadaanan ay ginawa pa rin ni Lola Emma ang lahat ng kanyang makakaya upang mabigyan lamang ng magagamit na cellphone ang kanyang apo sa pag-aaral nito.

Ang kwentong ito ng mag-lola ay maihahambing natin sa nag-viral din noon na kwento ng isang comic strip na gawa ng Filipino artist na Xiaoness, na kung saan ay kwento din ito ng pagmamahal ng isang lola sa kanyang apo, na sa kabila ng pagkakatanggal sa trabaho ay tumanggap ng labahin upang maibigay ang kinakailangang gadget na inirequire ng paaralan para sa pag-aaral ng kanyang apo.