Connect with us

Inspiring

Isang Lolo Ginawang Swimming Pool Para Sa Kanyang Mga Apo Ang Kanilang Lumang Kulungan Ng Baboy

Published

on

Nakasanayan na ng marami sa atin na tuwing summer o baksyon, madalas tayong nagpupunta sa mga beach resorts upang mag-enjoy at pawiin ang nadarama nating init dulot ng mainit na panahon.

Ngunit ngayon, hindi nga naman na-enjoy ng marami sa atin ang makapagbaksyon at magtampisaw sa tubig-dagat o swimming pool sa mga resort dahil na rin sa pagkakaroon ng enhance community quarantine upang maingatan ang marami sa banta ng kumakalat na Covid-19 virus.

Dahil sa hindi makapagtampisaw sa mga beaches, marami ngayon ang pinagtyatyagaan na lamang ang mga inflatable pool, para lamang maibsan ang pagkasabik natin na magtampisaw at ang maalinsangang pakiramdam dala ng mainit na panahon.

Hindi naman lahat ay kayang bumili ng inflatable pool dahil sa may kamahalan nga naman ito, kaya naman ang isang lolo ay nag,-isip ng ibang paraan upang mabigyan ng isang maayos na pool ang kanyang mga apo.

Isang Lolo ngayon ang hinangaan ng publiko dahil sa ginawa niyang improvised pool para sa kanyang minamahal na mga apo.

Sa kanyang facebook account, ay ibinahagi ng nagngangalang Blessie Mangubat na mula sa Pampanga, ang isang improvised pool na ginawa ng kanyang amang si Wilfredo Mangubat para sa kanyang mga apo.

“Gusto din ppo makiswimming ng mga bata, kaso po malilikot, baka daw po makabutas at magpapalit pa kami ng pool”, saad ni Blessie.

Mula nga sa dati nilang kulungan ng baboy, ay naisip ni Lolo Wilfredo ang gawin na lamang itong swimming pool. Sinimula niya itong walisan at linisin, at noon ngang May 3, ay nagsimula si Lolo Wilfredo na gawin ang isang improvised pool para sa kanyang mga apo.

Dahil isang construction worker, at sanay sa ganitong gawain sa loob lamang ng anim na araw ay natapos agad ni Lolo Wilfredo ang swimming pool para sa kanyang mga apo.

Umabot naman sa Php4,000 ang nagastos nila sa pag-gawa nito pero kung iisipin ay mas malaki nga naman ang kanilang natipid, dahil kung bibili sila ng inflattable pool ay halos pareho lang din ang halaga at mas mahal pa kung kasing laki sa ginawang pool ni Lolo Wilfredo ang bibilhn nilang inflatable pool.

Mas matibay at mas matagalan ding magagamit ang pool na gawa no Lolo Wilfredo para sa kanyang mga apo.

“Nakagaan na lang po sa gastos namin na may kulungan na po kami ng baboy, kaya medyo buo na po siya. Dinagdagan na lang po, at yung ibang materyales na ginamit ay hindi na rin po namin binili gaya ng buhangin at bakal po,” kwento naman ni Blessie.

Matapos gawin ni Lolo Wilfredo ang swimming pool na para sa kanyang mga apo, ay nilagyan naman ito ng makukulay na disenyo nina Blessie na kung saan ay akma para sa kanyang mga anak.

Makikita naman sa larawan na ibinahagi ni Blessie, kung gaano kaganda at kacreative ang ginawang improvised pool ni Lolo Wilfredo para sa mga apo nito. At makikita rin kung gaano ka-enjoy ang kanyang mga apo ng magsimula na ang mga itong magtampisaw sa ginawa niyang improvised pool.

Marami namang mga netizens ang humanga kay Lolo Wilfredo dahil ss pagmamahal niya sa kanyang mga apo ay talaga namamg pinagpaguran niyang gawin ang swimming pool na makapagpapasaya sa mga ito.