Connect with us

Inspiring

Isang Magandang Batang Babae Na Naglalako Ng Sampaguita Pumukaw Sa Atensyon Ng Mga Netizens

Published

on

Sa panahon ngayon ay talaga namang laganap na ang kahirapan, kung saan makikita nga natin sa ating kapaligiran na pati mga kabataan ay damang dama ang hirap ng buhay ng kanilang pamilya.

Tunay nga naman na ang estado ng buhay natin ay hindi pare-pareho, ang iba ay nag-uumapaw ang dinaranas na yaman na nabibili at nakukuha ang lahat ng kanilang pangangailangan at ang iba nga ay labis na kasalatan naman sa buhay ang dinaranas, kung saan ay halos hind inga makakain ng maayos na pagkain sa loob ng isang araw.

Makikita nga natin sa panahon ngayon kung saan ay napakarami ng mga pamilya ang naghihirap ay pati ang mga batang miyembro nito ay nagagawa na ring maghanap buhay sa murang edad pa lamang. Marami ngang mga kabataan tayong nakikita na dumidiskarte ng trabaho, kumita lamang ng pera na maipapangtulong sa hikahos niyang pamilya.

Isa na nga lamang sa halimbawa nito ay ang isang babae na kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin sa mga netizens, dahil sa kabila nga ng murang edad nito ay matiyaga itong naglalako ng sampaguita sa lansangan kung saan ay innabot pa nga ito ng gabi sa pagtitinda.

Naging usap-usapan ang batang ito sa social media ng ibahagi ito ng mag-asawang Honney RJ at Onnie Balasabas sa kanilang Facebook page. Sa naging pagbabahagi nga ni Honney ay isang batang babae ang lumapit sa kanya at inalok siya nito na bumili ng paninda nitong sampaguita.

Nang mga oras nga na iyon ay gabi na, at kahit mga gabing gabi na ay naglalaro pa rin umano ito, at napag-alaman pa ni Honney na minsan nga ay inaabot na ito ng alas-onse ng gabi sa paglalako maubos lamang ang mga sampaguita na itinitinda nito.

Hindi naman napigilian ni Honey nakunan ng larawan ang batang babae, dahil sa nagandahan umano siya dito. At nakikita nga sa larawan na ibinahagi ni Honney na talaga namang may taglay na kagandahan ang batang nagtitinda ng sampaguita.

Si Onnie naman ay nag-alok umano ng pera sa naturang bata, ngunit tinanggihan umano nito ang ibinibigay niyang pera. Ayon nga sa bata ay maglalako pa siya sa ibang mga sasakyan para maubos na ang kanyang mga tindang sampaguita dahil sa nais niya ng makauwi.

Hinangaan naman ng mag-asawa ang kasipagan ng batang babae, ngunit hindi umano nila maiwasan ang mangamba para dito dahil sa sitwasyon nito na inaabot na ng gabi sa daan sa pagtitinda, idagdag pa na ang naturang bata ay may angking ganda at wala rin itong kasama na naghahanap buhay sa kalye.

Samantala, sa isang naging post naman ni Honney ay makikita ang naging pagbabago noong muli ng larawan ng naturang bata kung saan ayon nga sa kanya ay nakita niya itong muli, kung saan ay nakangiti nga ito ng makita siya kaya naman nakuhaan niya naman ito ng larawan.

Dalangin naman ni Honney para sa batang babae ang palagi lamang itong maging ligtas sa tuwing ito’y nagtitinda, at naway ingatan at gabayan lamang ito ng ating Poong Maykapal sa mga taong mapagsamantala.