Connect with us

Inspiring

Isang Pamilya Na Walang Bakurang Ngunit Nakaisip Na Gawing Munting Hardin Ang Kanilang Bubongan

Published

on

Ang pairalin ang pagiging madiskarte natin sa buhay, ang isa sa mga aral na itinuro sa atin ng pagkakaroon ng krisis sa gitna ng kinakaharap nating krisis. Kaya naman talagang marami sa ating mga kababayan, ang sa kabila ng hindi makalabas ng tahanan dahil sa pag-iwas sa kumakalat at nakahahawang krisis, ay naisipan na gumawa ng madiskarteng pamamaraan upang kumita kahit sa loob lamang ng kailang tahanan.

Batid natin na isa sa malaking tulong na maaring mapagkunan natin ng makakain araw-araw, ay ang pagkakaroon ng sariling mga pananim sa loob ng ating mga bakuran. Kung saan maari tayong magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay, na mabisang alternatibo na may makain ang pamilya, at tipid gastusin pa.

Sa pamamaraan ngang ito, ay hini na kinakailangan pang lumabas para mamalengke, at malaking tipid pa sa budget ng pamilya, dahil sa pipitasin na lamang sa bakuran ang mga sangkap na gulay na gagamitin sa pagluluto. Maliban pa rito, ay nakasisiguro pang sariwa ang gulay na maihahain sa pamilya.

Samantala, paano nga naman kung ikaw ay naninirahan sa isang tahanan na walang bakuran? Dahil sa ang iyong tahanan ay nakatayo lamang sa isang maliit na lote.

Isang pamilya ang nagka-ideya na makaisip ng isang kahanga-hangang diskarte, na sa kabila ng wala silang bakuran sa kanilang tahanan, ay nagawa pa rin nilang magkaroon ng espasyo sa kanilang tahanan kung saan sila gumawa ng isang munting hardin na pinagtaniman nila ng iba’t ibang uri ng pananim.

Dahil sa hindi nga karaniwan ang pagtatanim na ginawang ito ng pamilya, ay maraming mga netizens ang humanga sa ideyang naisip nila.

Kamakailan lamang, ay naiulat sa isang Facebook page na may titulong “New Normal: The Survival Guide”, ang isang pamilya, na mayroong “mini garden” sa bubungan ng kanilang tahanan, dahil nga sa wala silang bakuran.

Ayon nga sa naturang post, pagmamay-ari ni Tatay Buboy ang tahanan na mayroong munting hardin sa bubungan, kung saan ito’y may mga tanim na malalago ng gulay. Nakapag-ani na nga si Tatay Buboy sa kanyang mga pananim ng dalawang palanggang petsay, kung kaya naman talagang masasabi natin na hindi kinakailangan ng malawak na bakuran upang makapagtanim, dahil kung may gusto kang gawin, lahat may paraan, tulad nga ng naisip ni tatay.

Maliban nga sa petsay ay mayroon ding mayabong na Lettuce na tanim si tatay Buboy, na batid natin na ang ganitong uri ng halaman, ay talaga namang nakakabutas ng bulsa ang presyo sa palengke kung iyong bibilhin.

Dahil ngan sa madiskarteng pagtatanim ni Tatay Buboy sa kanilang bubungan, ay nakatitipid sila sa pagbili ng mga sangkap na gulay.

Pinatunayan nga ng pamilya ni Tatay Buboy, na kapag may gusto may paraan. Marami namang mga netizens ang pumuri at humanga, sa madiskarteng pagtatanim sa bubungan ni Tatay Buboy at ng kanyang pamilya.