Connect with us

Stories

Isang Pinay Ang Abot Langit Ang Kaligayahan Ng Malaman Na Ang Ama Ay Isang Hari

Published

on

Sadya nga naman na hindi lahat ng tao ay binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isang buong pamilya, ang iba ay bata pa lamang ay naranasan na ang lumaki na hindi kasama ang ina o di kaya ang ama, kung saan ang pangyayari na ito ay may iba’t ibang mga dahilan.

Isa na nga sa mga halimbawa nito ay ang kuwento ng buhay ng isang Pinay na kamakailan lamang ay naging viral sa social media. Ito nga ay dahil lumaki siya na hindi niya nakakasama ang kanyang ama at hindi nakikilala ito. Ngunit ng makatagpo nga niya ito ay talaga namang labis ang kanyang naging kasiyahan, idagdag pa ang hindi niya inaasahan na siya pala ay isang ‘Prinsesa’ dahil sa nalaman niya na ang kanyang ama ay isang ‘ari’.

Samantala, lahat tayo ay dumaan sa pagkabata, at marahil marami sa ating mga kababaihan ang pinagdaan ang pangangarap na maging isang prinsesa, na kagaya na nga lamang sa ating mga napanonood noon at naririnigna kuwento patungkol sa mga prinsesa sa isang fairy tales.

Sa Facebooj page nga na may pangalang “Humans of New York”, ay naiulat ang patungkol sa isang Pinay, kung saan ay ibinahagi nga nito ang kanyang simpleng pamumuhay noon, hanggang sa napag-alaman nga niya na siya pala ay isang Prinsesa.

Ayon sa naging paglalahad ng Pinay, bata pa lamang siya ay madalas ng sinasabi ng kanyang ina na siya ay isang prinsesa at anak nga umano siya ng isang hari, kung saan ay talaga namang nasisiyahan siya tuwing sinasabihan siya ng kanyang ina nito noon lalo pa’t nasa murang edad pa lamang siya.

Hanggang sa kanya ngang paglaki, ay binalewala na niya ang sinasabi sa kanya ng ina na anak siya ng isang Hari, dahil ang nasa-isip niya ay sinabi lamang ito ng ina niya para i-comfort siya noong siya’y bata pa.

“I remember there was a day in kindergarten when we were supposed to bring our dads ro school. It was some type of performance or something. I’d never met my father. So, I asked my mom if he could come, and she told me: “He’s too busy. He lives in Malaysia. And he’s a king.’ My father was a king? That meant I was a Princess. It made me feel so proud. But as I got older, I came to realize it was an elaborate story of my mom had invented to comfort me.”

Dagdag pa niya, mula bata pa siya ay madalas na niya tinatanong ang kanyang ina patungkol sa kanyang ama, ngunit sa tuwing ito ay kanyang ginagawa ay umiiwas ang ina niya, at iilang detalye nga lamag ang sinasabi sa kanya.

“She was a single mother. We’d immigrated from the Philippines when I was six and we were living in a rented room. That’s not how a princess was supposed to live. But whenever I’d ask more about my father, my mother would become withdrawn. She’d offer few details. She told me that she’s been working as a nurse in Malaysia. And that she met the king at a party. But the rest of the story seemed to be painful, so I took it upon myself to never open that box. I stopped thinking about it.”

Hanggang sa dumating nga ang panahon na silang mag-ina ay nagpasya na maniraha na sa Estados Unidos. Nang siya naman ay 14-taong gulang na, ay doon siya nakatanggap ng isang tawag mula sa di kilalang lalaki, kung saan ay hinahanap nga nito ang kanyang ina.

Matapos ngang makausap ng kanyang ina ang lalaki sa telepono, ay agad naman nitong sinabi sa kanya na silang dalawa ay tutungo sa London dahil naroon umano ang kanyang ama at nais nga siyang makita at makilala nito.

Sa naging pagkikita at pagkakilala niya sa kanyang ama, ay doon niya nasabi na tunay pala ang mga sinabi ng kanyang ina noong siya ay bata pa. Dahil sa totoong Hari pala ang ama niya ng bansang Malaysia, kaya naman siya ay isa ngang Prinsesa. Ang kanyang ama ay kinilalang si ‘Sultan of Pahang’ o the king and the hereditary constitutional head of Pahang, Malaysia.

Nagkita sila ng kanyang ama sa isang hotel restaurant, kung saan kasama niya ang kanyang ina at ang ama niya naman ay may kasamang tauhan nito. Habang sila nga ay kumakain, ay napansin niya ang pagiging ‘polite’ nito, at sinabi pa nga nito sa kanya na kamukha niya umano ang isa niyang kapatid na anak nga nito.

Mas naging mahaba naman ang pakikipag-usap ng kanyan ina sa ama niya, kung saan ay nagsabi nga ito na gusto nito nga ‘financial support’ para sa kanya, na agad namang pinagbigyan ng ama niyang hari. Ngunit ng sabihin ng ina niya na nais rin nito na tumayong ama ito sa kanya sa legal na paraan, kasama ang ‘paternity in writing’ ay hindi naman pumayag ang ama niyang Hari.

“We agreed to meet in the hotel restaurant. But it wasn’t just us. My father had an enterouge with him. During our meal he was very polite. He told me I looked like my older sister. But my mother did the majority of the talking. She had demands. She wanted financial support – which was provided.”

“But she also wanted paternity in writing, which was never agreed to. Our lunch lasted about an hour. Afterwards my father told me: ‘My people will call you’. And we did meet twice again. Each time in London. Each time for an hour. But I was never brought into a family. I was never fully acknowledge.”

Sa kabila nga ng naging pagkakakilala ng Pinay sa kanyang ama na isang Hari, ay hindi naman umano niya nakilala ang pamilya nito, dahil ang anging pagkikita nila ay minsan lamang at tumatagal lamang ng ilang oras. Ngunit sa kabila nito, ay masaya na rin siya na makita at makilala ang kanyang ama, na matagal na panahon nga niyang hindi nakita o nakilala.