Connect with us

Inspiring

Isang Pinay Lady Pilot Hinahangaan Ngayon Ng Maraming Netizens Dahil Sa Angkin Nitong Ganda At Tapang Sa Pagpapalipad Ng Eroplano

Published

on

Ang pagiging isang piloto ng eroplano, ay karaniwang career ng mga kalalakihan, kaya naman kung may nakikita tayong isang babae na piloto, ay talaga namang kamangha-mangha ito, dahil hindi isang biro ang tapang at kakayanan na dapat tinataglay ng isang piloto, lalo na at ang mamaneobrahin mo ay sasakyang himpapawid.

Isang Pinay ngayon ang inspirasyon at kinamamanghaan ng maraming mga netizens, dahil sa pagiging isa niyang lady pilot sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy. Ang Pinay lady pilot na ito ay kinilalang si Chezka Gonzales – Garrido, na nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa Far Eastern University.

Batay sa mga naging ulat, sa kabila ng naging pagtatapos ni Chezka ng kursong nursing sa kolehiyo, ay mas matimbang pa rin talaga ang pangarap nitong matupad nag pangarap niyang maging isang piloto.
Dahil sa talagang pangarap ni Chezka ang maging isang lady pilot, ay ginawa niyang tuparin ito kahit na nga ba siya ay mayroon ng anak, at isa na ngang ina.

Anim na taon ang naging pagte-training ni Chezka bilang isang flight attendant, upang matagumpay niyang makamit ang kanyang pangarap na balang araw ay magagawa niyang magmaneobra at mapalipad ang Airbus 320.

At ngayon nga ay isa ng matagumpay na lady pilot si Chezka, at ang kwento ng naging tagumpay niya sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang piloto, ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang social media account, upang magbigay inspirasyon din sa ibang mga kababaihan na tulad niya.

Makikita nga sa naging post ni Chezka ang naging pagbabahagi niya ng kanyang dalawang larawan, ang unang larawan ay kuha noong taong 2013, kung saan siya’y isa pa lamang training bilang flight attendant, at ang ikalawang larawan naman ay nagpapakita na siya ay isa ng ganap na piloto na kinunan naman taong 2019.

Kalakip ng mga larawan na ito, ang naging “meaningful message” ni Chezka para sa mga aspiring pilots, na patuloy na pinagtatrabahuang matupad ang kanilang mga pangarap.

“For the aspiring pilots out there, strike the iron in hot! Let your passion roar like the engines of an airplaine. Turn your energy into productivity and the reward would be all worth it. I’m telling you, it only gets better and the learning process is fun so do not falter, keep your head up and keep inspired!”

Maraming mga netizens ang pumuri sa pagiging determinado ni Chezka, lalo na sa naging matagumpay niyang pagtupad sa kanyang pangarap na maging isang piloto. At dahil nga sa kanyang tagumpay na maging isang lady pilot, ay ginawaran siya ng munting parangal na ‘Istorya ng Pag-asa’ na iginawad sa kanya ng Office of the Vice President of the Philippines at ng Far Eastern University.