Connect with us

Inspiring

Isang Pinoy Engineer Na Nanalo Ng Top Prize Na Php3-Million Dahil Sa Kanyang “Cubo Housing Unit Design”

Published

on

Isang Pinoy Engineer ang muling pinatunayan ang galing ng mga Pilipino at nagbigay muli ng karangalan sa kanyang lahing pinagmulan matapos magwagi gamit ang sarili niyang ginawang disenyo na tinawag niyang “Cubo”.

Image Credit via Google

Hindi nga matatawaran ang galing ng mga Pinoy saan mang larangan, marami na tayong mga kababayan na nagbigay sa ating bansa ng mga karangalan kung saan ay ipinakita nila sa buong mundo ang kani-kanilang angking talento at kakayanan.

Image Credit via Google

Ngayon, isang kababayan natin muli ang nagpakita ng galing ng isang Pinoy sa larangan ng “Housing Unit Design”.

Image Credit via Google

Ang 23-taong gulang na engineer na si Earl Patrick Forlales, mula sa Manila ay nagwagi ng top prices sa Royal Institute of Chartered Surveyors’ (RICS) dahil sa kanyang idenesenyong “Cubo”.

Image Credit via Google

Nagawa niya ang isang obra na talaga namang nagpakita ng kanyang talento at dedikasyon.

Image Credit via Google

Hindi nga lamang basta-basta ang idenesenyong ito ni Earl Patrick, sapagkat hindi lang ang magandang resulta ang inisip niya upang mabuo ito, kundi maging ang budget na gagamitin dito na may mababang halaga at maaring maging abot kamay ng maraming mahihirap.

Image Credit via Google

“Cubo”, ang itinawag ni Earl Patrick sa disenyong kanyang ginawa dahil na rin sa ang materyales na ginamit dito ay kawayan at maaari itong mayari sa loob lamang ng apat na oras. Ayon pa sa ulat, tinatayang nasa P3,000 lamang ang aabuting halaga ng kabuuang magagastos sa pagawa nito.

Dahil nga sa kanyang disenyong ito ay nagwagi ang binata ng $50,000 o higit Php3.3-Million peso sa pera ng ating bansa.

“It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. It’s design to turn community waste into energy and other vulnerable resources”, pahayag nga ng binata.
“As it releases 35% more oxygen than tress and can be harvested annually without causing degradation”, dagdag pa nito.

Ayon kay Earl Patrick, hindi basta basta ang materyales na ginamit sa kanyang “Cubo”, dahil ang kalidad ng kawayan na pangunahing materyales nito ay sampung beses ang maaaring itagal kaysa sa iba.

Para rin sa binata, ang ginawa niyang ito ay isa rin sa maaaring maging solusyon ng ating gobyerno, para sa patuloy na pagdami ng mga informal settles sa Manila at mabigyan ang mga ito ng mas maayos na matitirhan.

“With the Government’s Build Build Program there will be more construction workers coming into the city… We want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own,” saad pa nga ni Earl.

Pipaplanong gumawa ng binata ng 10,000 units, bago pumasok ang taong 2023. Balak din umano nito na magtayo ng isang prototype model na maari niyang ipakita sa mga magiging investors, kaya naman ang perang kanyang napanalunan ay inilalaan niya para dito.