Connect with us

Inspiring

Isang PWD Grab Food Driver Isang Inspirasyon Ngayon Sa Marami

Published

on

Dahil sa pagkakaroon ng Movement Control Order (MCO) ngayon sa ilang lugar sa ating bansa, may ilang mga kababayan tayo na umoorder na lang ng pagkain online kung saan ay idini-deliver ito sa kanila mismong mga tahanan.

Isa na ng sa mga ito ay si Edmund Gan, na nagpasyang umorder at magpadeliver na lamang ng pagkain sa kanyang tahanan.

Upang hindi magkaroon ng anumang contact sa delivery man at maging “contact free” ang kanyang buong transaksyon, agad niya itong tinawagan ng dumating ito sa tapat ng kanilang gate at sinabi rito na isabit na lamang sa gate ang pagkaing order niya.

Sa isip kasi ni Edmund, wala na ring magiging transaksyon sa delivery man dahil sa bayad na rin niya ang kanyang mga inorder sapagkat ginamit niya ang “in-app payment option”.

Ngunit laking pagtataka umano niya ng makiusap ang rider-delivery man na kung maaari ay kunin na lamang ni Edmund ang kanyang mga inorder dahil sa hindi ito kayang hawakan ng rider para isabit sa gate.

Agad naman lumabas si Edmund ng kanilang gate, na may bagas ng pagtataka dahil sa isip niya ay hindi naman ganoon karami ang kanyang mga ipinabili at kayang-kaya umano itong dalhin ng dalawang kamay.Naisip rin niya na “Gaano nga kaya kahirap sa rider na ito, ang isabit sa gate ang kanyang pinabili?”.

Hindi naman akalain ni Edmund n sa kanyang paggawa upang puntahan ang rider, ay magugulat siya dahil sa isang rider na PWD o may kakulangan sa katawan ang kanyang makikita. Wala umanong dalawang kamay ang rider na nagdedeliver ng order niya, kaya naman pala hirap ito na makapag sabit sa gate at hawakan ang kanyang in order.

Ngunit sa kabila ng kakulangan sa katawan, ay nagawa pa umanong magbiro ng rider sa kanya dahil napansin siguro nito ang kanyang pagtataka at pagkagulat. Sinabi nito na hindi na niya kailangan pang hanapin ang kanyang mga kamay, dahil hindi rin niya talaga ito makikita.

Ang naturang rider-delivery men na isang PWD ay kilala bilang si “”, na ngayon ay hinahangaan ng marami dahil sa pagiging inspirasyon niya sa lahat. Dahil sa kabila ng kanyang kakulangan at kapansanan ay hindi ito naging hadlang sa kanya upang maging kapaki-pakinabang at makatulong siya sa kanyang pamilya.

Patunay ng lamang ito na kung kaya mong gawin ng isang may kakulangan sa katawan ang maging kapaki-pakinabang sa lipunan ay mas doble pa ang dapat nagagawa at kakayahan ng mga taong pinagkalooban ng kumpletong katawan.

Maging inspirasyon nga sana sa ati ang isang tulad ni “Syahrain” , na kahit hindi kumpleto ang parte ng kanyang katawan ay hindi nya nagawa ng magreklamo sa buhay bagkus ay nagsusumikap at ginagawang kapaki-pakinabang ang kanyang sarili para sa lahat.