Connect with us

Inspiring

Isang Successful Online Seller Ibinahagi Ang Kwento Kung Paano Natupad Ang Kanyang Mga Pangarap

Published

on

Masasabi nga naman natin na sa panahon ngayon ay isa na sa mga nangungunang hanap-buhay ng mga fulltime mommy at raketerang may-bahay ay ang pag-oonline business selling. Patok nga naman ito sa maraming consumer ngayon, lalo na sa ganitong panahon na nasa isang krisis tayo at hindi basta-basta makalabas sa ating mga tahanan upang mamilinng ating mga kailangan.

Marami sa atin ang bumibili na lamang online dahil sa mas mabilis ang transaksyon dito at mas convenient ito para sa nakararami. Ilang mga online seller na rin ating nakilala na magmula sa maliit na puhunan at negosyo online ay naging successful at nakapagpundar na ng ilang mga ari-arian.
Ngayon nga ay muli na naman tayong mabibigyan ng inspirasyon ng isang online seller na naging succesful sa pamamagitan ng pagpasok niya sa negosyong Online Selling.

Ma-iinspire tayo sa kwento ni Rica Detiquez, isang successful online seller ngayon na noon ay isang pipitsuging online seller lamang.Sa kanyang Facebook account, ay ibinahagi ni Rica na mula ng siya ay nasa kolehiyo ay nagtitinda na talaga siya ng kung ano-ano sa kanyang mga kaklase o kakilala, tulad na lamang ng mga damit at cosmetics. Maging ng siya ay makapagtapos at nakapagtrabaho ay gawain pa rin niya umano ito,

nagtitinda pa rin siya ng nga produkto sa kanyang nga katrabaho at ayon sa kanya ay may pangarap siyang nais maabot sa kanyang buhay kaya naman talagang doble kayod siya na maabot ito.
Nagbunga naman ang lahat ng nagiv pagtatrabaho at pagtiyatiyaga ni Rica, dahil ng siya ay makaipon mula sa kinikita niya sa kanyang trabaho at pagtitinda ng kung ano-ano ay nakapagsimula siya ng kanyang sariling negosyo.

Isang cosmetics brand na RYX Skincerinity, ang negosyong sinimulan ni Rica at hindi niya akalain na ng dahil dito ag matutupad lahat ng pinangarap niya tulad isang magandang bahay na para sa kanyang pamilya.

Ayon pa nga kay Rica, lahat ng pagpapalang natatanggap niya ngayon ay bunga ng kanyang pagsusumikap, pagiging mapagbigay sa kapwa at syempre bunga ng kanyang pananalig at pagmamahal sa Poong Lumikha.

Isa na naman ngang inspirasyon ang kwento ng buhay ni Rica para sa marami sa atin, dahil patunay lamang ito na hindi pa huli ang lahat para hindi natin matupad ang mga bagay na nais nating maabot sa ating mga buhay. Kaya patuloy lamang tayong mangarap, at pagtrabahuan na matupad natin ito.