Connect with us

Inspiring

Isang Tricycle Driver Pinatunayan Ang Pagiging ‘Good Samaritan’ Ng Isauli Ang Napulot Na Bag At Naglalaman Ng 20 Milyong Halagang Tseke

Published

on

Sa panahon ngayon na maraming mga tao ang nakakagawa ng kamalian dahil sa dinaranas na kahirapan, ay mayroon pa rin ngang mga tao na sa kabila ng paghihirap na naranasan ay nangingibabaw pa rin ang paggawa ng kabutihan.

Kagaya na nga lamang ng isang tricycle driver na kamakailan lamang ay nagpakita ng katapatan at pinatunayan na may mga good Samaritan pa rin. Ito nga ay matapos niyang isauli ang bag ng kanyang napulot na ang laman nga ay malaking halaga ng pera at tseke na 20-milyon, sa tunay na nagmamay-ari nito.

Ang matapat nga na tricycle driver na ito ay kilalang si Sofio Alo Jr, kung saan dahil nga sa kanyang ipinamalas na katapatan at nakatanggap siya ng parangal mula sa may-ari ng bag at pagkilala mula sa mga taong napahanga niya sa kanyang magandang ginawa.

Ayon sa naging pahayag ni Sofio, habang siya ay nagkakarga ng semento sa likuran ng kanyang tricycle na binili nga ng kanyang bagong pasahero ay napansin niya na may naiwang bag sa likuran ng kanyang sasakyan.

Nang makauwi naman siya sa kanilang tahanan, ay agad umano niyang sinuri ang bag at kung ano ang nilalaman nito. At sa kanya ng ang pagbubukas ng bag ay tumambad sa kanya ang laman nito na napakaraming mga tseke na ang halaga ng ay umabot sa 20-milyon, at maliban pa dito ay may pera din itong laman na P1,070.

Kahit nga hirap sa buhay ay hindi umano sumagi sa isip niya na sarilinin ang pera na nilalaman ng bag na kanyang nakita. Kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid ng kanyang asawa na may kilalang local official kung paano nga ang gagawin upang maibalik niya ang naturang bag na may malaking halaga sa tunay na may-ari nito.

Sila nga ay agad na nagtungo sa City hall para mai-report ang tungkol sa naiwang bag sa kanyang tricycle, at para mapadali ang pagtukoy kungs sino ang naka-iwan nito.

Naibalik nga ni Sofio sa tunay na may-ari ang bag na mayroong malaking halaga. Kaya naman sa kanyang ipinamalas na katapatan siya ay nakatanggap ng parangal mula sa programa ng Apokon Elementary School na We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH).

Dahil naman sa kanyang katapatan, ay binigyan siya ng may-ari ng naturang bag ng P1,000 pesos at leche flan bilang pabuya sa kanya. Samantala, ayon naman kay Geraldine Canlas ng Apokon Elem. School, patungo umano sa bangko ang pasahero ni Sofio na nakaiwan ng bank, upang magdeposito, ngunit sa dam inga ng dala-dala nito, ay naiwanan nito ang bag sa likod ng tricycle.

Hindi naman kinumpirma ni Canlas, kung ang tao bang nakaiwan ng naturang bag ay empleyado ng kanilang paaralan. Para naman kay Sofio, sinisikap niyang maging tapat at mabuting tao sa lahat ng oras, ito ay upang maging isang huwaran siya sa kanyang mga anak. Nais niya umanong ipakita sa mga ito, na mahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng integridad, kaya kahit nakakaranas ng hirap ay binibigyang halaga niya ang pairalin ang katapatan.