Connect with us

Inspiring

Isang US Gamer Na Pinakasalan Ang Kanyang Girl Of His Dreams Na Isang Pinay At Nakilala Niya Online Video Game

Published

on

Hindi na bago sa atin ang makarinig ng love story ng dalawang taong nagmamahalan na nagkakilala sa mga online apps , dahil sa mga makabagong teknolohiya ng henerasyon ngayon.

Ngunit ngayon ay isang kwento ng pag-iibigan ng dalawang tao, ang talaga namang hindi inaasahan dahil sa silang dalawa ay nagkakilala lamang sa MMORPG o Massive Multiplayer Online Role-Playing Game.

Si Samra, ay isang 23 taong gulang na Pinay, na nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa bansang Saudi Arabia. At upang hindi makaramdam ng pagkalungkot, dahil malayo sa kanyang pamilya ay naging libangan ni Samra ang paglalaro ng online video games.

Hindi naman pumasok sa isip ni Samra, na sa paglalaro niya pa lang ito ng online video games, ay dito niya makikilala ang lalaking kanyang mapapangasawa. Sa paglalaro nga ng online game na MMORPG ay nakilala ni Samra, ang 21-taong gulang na si Triston Wallin, na mula sa bansang Amerika, at dito na nga nagsimula ang magandang pagtitinginan nilang dalawa.

Mula nga ng sila Samra ta Triston ay magkakilala noong taong 2017 sa online game, ay nag tuloy tuloy na ang komunikasyon ng dalawa, kung saan ay naqvi-video call na rin sila sa isa’t isa.

Dahil nga sa parehong pro-gamer ang dalawa, ay madalas ang naging usapan ng dalawa ay ang tungkol sa mga online game. Hindi nga nagtagal ay umamin si Triston kay Samra, ng kanyang nadarama rito, ngunit ito ay ni-rect ni Samra sa unang pagkakataon, sa pag-aakala na kahit gaano pa nila kamahal ang isa’-isa ay ay baka hindi naman sila ang nakatadhana.

Makalipas naman ang ilang buwan, noon ngang buwan ng Setyembre ng nakaraang taon, ay sinagot na ni Samra si Triston, ito ay dahil sa matagal na ang naging panliligaw sa kanya ng binata at sa talagang mahal niya na rin naman ito.

Hindi nga nagtagal ay lumipad patungong Pilipinas si Triston upang makita ng personal ang kanyang nobyang si Samra, at dahil sa talagang para sa kanya ay ito na ang “girl of her dream” ay naninirahan siya kasama ang pamilya ni Samra, hanggang sa silang dalawa ay ikasal.

Sa ngayon nga ay masayang naninirahan sina Samra at Triston sa Pilipinas, ngunit plano rin nilang mag-asawa na magtungo sa Amerika at makakuha ng permanenteng tirahan doon.