Connect with us

Showbiz

Ito Na Pala Tahimik Na Pamumuhay Ngayon Ng Dating Aktres Na Si Aiza Marquez Sa Ibang Bansa

Published

on

Noong dekada 90, isa sa mga naging sikat na teen star ay si Aiza Marquez. Bago pa siya naging isang teen star sa showbiz, at nagsimula muna siyang maging isang commercial model sa edad lamang na labing dalawang taong gulang.

Ang kanyang karera bilang isang talent star ay tuluyang nagsimula ng madiskubre siya at makataan ng potensyal ng Viva Artist Agency, kung saan matapos nito ay agad siyang nabigyan ng proyekto at napabilang nga sa third batch ng Teen Oriented show noon na T.G.I.S (Thank God It’sSabado). Nakasama niya sa proyektong ito sina Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves.

Ilan naman sa mga aktor sa industriya ng showbiz na naugnay kay Aiza nung siya ay aktibo pa bilang isang aktres ay sina Gian Magdangal at Danilo Barrios. Si Danilo ay isa sa mga dating Streetboys member na ngayon ay naninirahan na rin sa ibang bansa, samantala si Gian Magdangal naman ay isang dati ring singer/theater actor.

Pinili namang iwan ni Aiza ang kanyang karera sa mundo ng showbiz ng siya ay lubos na umibig. Siya’y nagdesisyon na manirahan sa Amerika kasama ang kanyang dating asawa. Taong 2013 ng ikasal ang dating teen star sa kanyang napangasawa noon, ngunit sa kasamaang palad ay hindi naging maganda ang relasyon nilang mag-asawa, kaya naman sa kabila ng pagkakaroon na nila ng dalawang anak ay nauwi pa rin ang kanilang pagsasama sa hiwalayan.

Magmula nga noon ay mag-isa ng itinaguyod ni Aiza ang dalawa nilang naging anak ng kanyang dating asawa, at ito nga ay sina Brooklyn Kate anak niyang babae, at Bryce Matthew ang anak naman niyang lalaki. Naibahagi naman ni Aiza, na sa kabila ng naging paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa, ay madalas naman nitong binibisita ang kanilang mga anak na nasa poder niya, kaya naman hindi rin siya nahirapan na palakihin ang dalawa nilang anak.

Samantala, sa socmed naman niya ay makikita na mayroon itong madalas na nakakasamang binatang foreigner sa kanyang mga larawan, ngunit hindi pa naman malinaw kung ito ba ay kanyang bago ng karelasyon ngayon.

Nang matanong naman ang T.G.I.S star noon kung may balak pa na itong bumalik sa showbiz sa isang panayam sa kanya ni Paolo Contis sa “Just In”, ay sinabi nga ng dating aktres na sa ngayon ay malabo siyang makapag-fulltime sa showbiz dahil nasa Amerika nga ang kanyang mga anak.

Ngunit kung may mga guestings naman o magkaroon sila ng reunion ng kanyang mga naging kasamahan noon sa TGIS ay maari naman niyang mapagbigyan ito. Noong nakaraang taon namang 2020, ay nagkaroon ng virtual reunion sina Aiza, Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves. At sa naganap nga na reunion nila na ito ay marami sa kanilang mga tagahanga ang naka-miss sa kanila.