Connect with us

Showbiz

Ito Pala Ang Buhay Noon Ni Pambansang Bae Alden Richards Bago Naging Matagumpay Sa Industriya Ng Show Business

Published

on

Si Alden Richards ay isa sa mga sikat at hinahangaang aktor, endorser at TV host ngayon sa mundo ng showbusiness. Ang kanyang tunay na pangalan sa totoong buhay ay Richard Reyes Faulkerson Jr, bago pa man siya makilala ng publiko bilang si Alden.

Hindi maikakaila ang tagumpay at kasikatan na tinatamasa ngayon ni Alden, dahil batid natin na marinog lamang ng publiko ang kanyang pangalan ay panigurado na kilala na agad siya ng mga ito. Maraming mga kababaihan ang talaga namang nahuhumaling sa angking kagwapuhan niya, lalo na nga’t maliban sa pagkakaroon ng gwapong mukh ay napakaganda pa nito nguimiti dahil sa naglalabasan ang mga dimples nito sa kanyang pisngi.

Dahil sa kanyang husay at taglay na karisma ay naging matagumpay nga ang karera ni Alden sa showbiz, kung saan ngayon nga ay isa na siya sa mga artista na talaga namang ang kasikatan ay patuloy na umaarangkada. Dahil din sa kanyang natamong tagumpay, ay malaki na nga ang nabago sa estado ng kanyang buhay, at marami na rin siyang mga naipundar hindi lang para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya.

Ngunit, sa kasikatan na tinatamasa ni Alden ngayon, ay ano nga kaya ang buhay niya noon? At paano niya nakamit ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa showbiz? Tulad ng ibang mga sikat na artista, ay hindi rin naging madali ang naging pagsisimula ni Alden sa industriya ng showbiz. Bago pa man niya umano nakamit ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon ay nagsimula muna siya bilang modelo at lumalahok din siya sa mga male beauty pageant.

Naranasan din niyang mabigo sa pakikipagsapalaran sa isang talent reality show ng GMA network noon, kung saan noong ngang taong 2009 ay sumali siya sa ikalimang season ng Starstuck ngunit hindi naman siya nagtagumpay. Maliban pa dito, ay nag-audition din umano noon si Alden sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong taong 2010, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli nga siyang nabigo na makapasok sa reality talent show.

Nagsimula namang mapasok ni Alden ang pag-aartista ng makapasa siya sa isang audition sa isang teleserye ng GMA network, at ito nga ay ang “Alakdana”, kung saan siya unang napanood ng publiko sa telbisyon. Ginampanan niya ang karakter bilang si ‘Joma’, sa nasabing serye at nakatambal niya nga rito ang aktres na si Louise delos Reyes.

Sa seryeng ito nagsimula ang pagbabago sa buhay ni Alden, dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa pag-arte ay mas marami pa ngang oportubidad ang nagbukas s akanya, hanggang sa maliban sa pagiging isang aktor, ay makuha rin siya bilang host ng popular na noontime show ang Eat Bulaga ng GMA-7.

Samantala, mas lalo namang umarangkada ang karera ni Alden at mas nakilala pa siya ng publiko ng maging katambal niya ang aktres at TV host na si Maine Mendoza. Si Maine Mendoza ay nakilala bilang si Yaya Dub sa segment na “Kalyeserye” ng Eat Bulaga. Tinawag naman na AlDub ang loveteam ng dalawa.

At dahil nga sa kahanga-hangang talento ni Alden bilang isang aktor ay nakapagkamit na siya ng mga parangal na sa una ay hindi niya talaga inakala na makakamit niya. Taong 2019 ay nabansagan siyang Seoul International Drama Award, Asian Star Prize award na katumbas na ng acting award, at ito nga ay naganap sa South Korea.

Pinahanga rin ni Alden ang marami ng makatambal niya ang isa pa sa mga bigating aktres ngayon sa showbiz, at ito ng ay si Kathryn Bernardo. Sila ay nagsama sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”, na pumatok sa takilya at isa nga sa mga pelikulang kumita ng napakalaki, dahil ito ay nagkaroon ng worldwide gross na P880,603, 490, base sa naging ulat ng Star Cinema.

Ayon kay Alden hindi niya halos mapaniwalaan ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang buhay at kung gaanoo umaapaw ang lahat ng biyaya sa kanya. Para rin sa aktor, ang lahat ng ng mga nakakamit niya ngayon ay kanyang iniaalay sa ina niyang si Rosario Faulkerson na [email protected] na noong taong 2008 dahil sa sakit na pneumonia. Pagbabahagi niya, ang kanyang ina talaga ang humikayat sa kanya na pasukin ang pag-aartista.