Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Ibinahagi Ang Naging Hirap Ng Buhay Para Maging Inspirasyon Na Tumulong Sa Iba

Published

on

Isa nga sa mga sikat at popular na vlogger ngayon ay ang sexy actress na si Ivana Alawi, kung saan ay talaga namang milyon-milyon na ang kanyang mga subscribers sa YouTube channel niya. Napakarami nga naman ang talagang humahanga sa kanya, hindi lang sa kanilang angking ganda at kaseksihan kundi mas lalo na nga sa kabutihan ng kanyang puso sa ginagawa niyang pagtulong sa kanyang kapwa na naghatid nga ng inspirasyon sa marami.

Ngunit, marami nga sa atin ang hindi nakakaalam na bago pa man magtamasa si Ivana ng sarap ng buhay na kanyang nararanasan sa ngayon, ay napag-daanan at naranasan din niya at ng kanyang pamilya ang pakiramdam na hirap sa buhay at walang-wala.

Kamakailan nga lamang ay naging panauhin si Ivana sa Kapamilya Talk show na ‘Magandang Buhay’ kung saan ay nakapanayam siya ng isa sa mga host ng programa na si Jolina Magdangal. Dito nga ay naibahagi ng sikat na vlogger-actress ang mga pinagdaanan na hirap niya at ng kanyang pamilya noon, n’ung hindi pa siya nakakapasok sa industriya ng showbiz.

Ayon kay Ivana, noon ay ginagawa ang mangutang ng kanyang ina para lamang may ipakain sa kanila. At kapag wala naman umano itong mautangan, ay wala silang ibang pagpipilian kundi ang pagtiisan na kumain ng kanin at ang ulam na ay toyo.

Sa kabila naman ng mga naging hirap na pinagdaanan nila noon ay nagpapasalamat pa rin si Ivana dahil napagdaanan niya ang mga iyon, dahil ngayon na ang biyaya ay patuloy na bumubuhos sa kanyang pamilya ay naging inspirasyon niya ang naranasan niyang hirap sa buhay para ibahagi sa iba ang biyayang kanyang natatanggap.

Dagdag pa ng vlogger-sexy actress, ang karanasan niya at ng pamilya niya na walang-wala noon sa buhay ay nagtulak sa kanya para tumulong sa iba lalo na nga sa mas nangangailangan.

Ibinahagi din niya na sa kabila ng maraming biyaya na kanyang tinatamasa ngayon at ng kanyang pamilya, ay hindi naman niya magawang magsaya ng magsaya, lalo na nga kung batid niya na ngayong panahon ay mas marami nang mga kababayan natin ang lugmok sa kahirapan at nangangailangan ng tulong.

Makikita naman natin sa vlog ni Ivana kung gaano ito ka-hands-on sa pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan, lalo na nga sa mga naapektuhan ang kabuhayan ngayong panahon ng krisis at kahit na nga nu’ng makaranas ang iba nating mga kababayan ng naging pananalasa ng bagyo sa ibang bahagi ng ating bansa.

Para nga kay Ivana, kaya bumubuhos ang napakaraming mga biyaya ngayon sa kanyang buhay ay dahil sa ginawa niya itong makibahagi sa mga tao na lubos nag pangangailangan.

Talaga namang inspirasyon para sa lahat ang ginagawa ‘giveback community project’ ni Ivana, kung saan ang iba nga ay hindi mapigilan ang mapa-iyak lalo na’t nakikita nila kung gaano kabukal sa puso ng vlogger-sexy actress ang kanyang ginawang pagtulong sa kanyang kapwa.