Connect with us

Entertainment

Jak Roberto May “Break-Up” Prank Sa Girlfriend Na Si Barbie Forteza Ngunit Hindi Umubra

Published

on

Ang magkasintahang Jak Roberto at Barbie Forteza, ang isa sa mga celebrity couple, na talaga namang nagpapakilig sa maraming netizens. Kaya naman ang napakaraming followers ng YouTube Channel ni jak Roberto, dahil dito mapapanood ang napakarami nilang sweet moments ng GF na si Barbie Forteza, maging ang mga videos nila ng kasintahan.

Mapapanood rin sa YouTube channel ni Jak Roberto ang mga nakakatuwang prank niya kay Barbie, at isa na nga dito ay ang kunwaring nakalimutan niya ang kaarawan nito.

At ngayon nga, ay isang bagong prank videos na naman ang makikitang ibinahagi ni Jak Roberto sa kanyang YouTube channel. Ngunit sa pagkakataong ito, ay isang pakulo na kunwaring makikipaghiwalay siya sa nobyang si Barbie Forteza.

Makikita sa unang bahagi ng video, ang mangiyak ngiyak na si Jak, habang kinukwento na tila maghihiwalay na sila ng nobyang aktres na si Barbie Forteza. “Hello guys, sa mga nagtatanong hong updates samin ni Barbie, siguro napapansin n’yo di’ kami masyado nagpo-post sa Instagram, sa social media, tungkol sa aming dalawa”, saad ni Jak.

Sinabi pa nga ng aktor, na kaya umano sila hindi nakapag-update na magkasama ni Barbie, ay dahil sa tila nagkakalabuan na sila. Matapos nga ang naging panayam sa kanilang dalawa ni Barbie, ni Nelson Canlas, ay makikita ang tila pagdadabog ni Jak at sinabi na ang kanyang saloobin sa kasintahang actress.

“Alam mo ba, noong taping mo, napakahirap mo kayang mag-message. Naiintindihan ko naman nagtatrabaho ka. Minsan kapag gabi, pagod ka na. Sige, ok lang. Pero sa mga second week, third week, nasanay na ako, ok naman pala ang ganito”, sambit ni Jak kay Barbie.

Dito na nga rin sinabi ni Jak kay Barbie na tila hinahanap na nito ang kanyang “me time”.
“Wala lang, parang na-enjoy ko lang yung moment na solo, wala akong iniintindi i-message na girlfriend”, dagdag pa ni Jak.

Dito na nga tinanong ni Jak si Barbie kung gusto nito ng cool off o break up.
Makikita naman ang naging pagkabigo ni Barbie, at sumagot ito ng; “Ako, wala naman akong ere sa katawan, wala naman akong isyu sa’yo. Ikaw ang dada ng dada diyan.

Ang cool off kasi, tayo pa rin, hindi lang tayo mag-uusap. Ang break up, wala na talaga. Anong gusto mo? Gusto mo bang tayo pa din o ayaw mong tayo na?”

Hindi na nga nakatiis si Barbie, at sinabi na kay Jak na alam na niyang pina-prank siya nito. Tatawa na nga lamang si Jak, dahil sa pagkakataong ito, ay “failed” ang kanyang ginawang prank sa kasintahan.Marami naman sa mga netizens, ang tawang tawa sa “failed” prank ni Jak sa nobya.