Connect with us

Showbiz

Jane De Leon Nagpa Wow Sa Maraming Mga Netizens Dahil Sa Kanyang Taglay Na Kagandahan

Published

on

Nito lamang nakaraan ay napa-wow ang maraming mga netizens sa bagong hairstyle ng Kapamilya actress na si Jane De Leon, ito nga ay matapos ang kanyang naging pagpapaikli ng kanyang buhok. Marami rin ang nagtanong kung ang magiging pinaka-latest version ng ABS-CBN na Darna ay isang Darna o Narda na mayroon ngang ‘short hair.’

Sa Instagram account ni Jane, ay masisilip ang kanyang new look na talaga namang bumagay sa kanya, kung saan marami nga sa kanyang mga fans ang talagang nasorpresa sa kanyang nagiging pagpapaikli ng buhok. “Cutting my hair for a role? Definitely did it!”, ang laman ng caption ng aktres, kung saan may kalakip pa tong hashtag na #NEWLOOK at #ShortHair.

Hindi man nilinaw ni Jane kung para saang role ang naging pagpapa-short hair niya, ay batid naman ng marami na ang ‘on-going’ na proyekto na ginagawa niya ngayon ay ang inaabangan na ng lahat, at ito nga ay ang paglipad muli ng Pinay Iconic Superhero na si Darna. Makikita rin sa post ng JRB Creative Productions ang isang video clip kung saan ay masisilayan ngang naka-short haired si Jane habang kasama ang iba pang co-cast niya sa Darna.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang unang aktres na in-offeran sa role na Darna para sa pinakabagong bersyon nito ay ang Kapamilya actress na si Liza Soberano. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng aktres ng finger injury, ay nagdesisyon na nga siyang hindi na ito ituloy hanggang sa ang mapili ngang pamalit sa kanya ay si Jane De Leon.

“Maz masaya po kaming ibabalita sa inyong lahat. Tuloy-tuloy na po ang paglipad ng Darna. At ang gaganap bilang Darna ay walang iba kundi si Ms Jane De Leon na patuloy nagpapakita ng sipag at determinasyon sa paghahanda sa muling paglipad ni Darna”, ang naging pahayag nga ng ABS-CBN.
Noong una ay dapat magiging isang pelikula sa ‘big screen’ ang pinaka-latest na Darna, ngunit dahil sa panahon ngayon na limatado pa rin ang pag-galaw ng tao ay minabuti ngang gawin na lamang itong isang TV series.

Samantala, maliban nga kay Jane De Leon ay ilan pa sa mga mahuhusay na artista na kabilang din sa TV series na Darna ay sina Zaijan Jaranilla bilang si Ding; Joshua Garcia, Iza Calzado at Janella Salvador bilang si Valentina. Kasama rin ang iba pang aktor at aktres na sina Kiko Estrada, Rio Locsin, Simon Ibarra, Young JV at Joj Agpangan.

Wala pang opisyal na petsa kung kailan eere sa telebisyon ang Darna, ngunit ang shooting nga nito ay nagsimula na, kung saan una itong naganap sa San Jose del Monte, Bulacan. Marami naman na ang excited na muling makita ang paglipad ni Darna, lalo na ang ipapamalas na husay ni Jane De Leon sa pagiging superhero.