Showbiz
Jane Oineza Ibinahagi Sa Kanyang Instagram Ang Appreciation Post Para Sa Napakagawapong Nobyo

Iba’t iba nga naman ang pamamaraan ng marami sa atin kung paano natin ipararamdam sa taong mahal natin ang labis nating pagmamahal para sa kanila. May mga love laguange nga naman ang bbawat indibidwal, lalo na’t may limang klase nga umano ng pagmamahal. Words Affirmation, Quality time, Physical Touch, Acts of Sevice at Receiving Gifts yan nga ang ilan sa mga love language na kung paano natin naipadarama sa taong mahal natin ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila.
Ang magkasintahang sina Jane Oineza at RK Bagatsing ay isa lamang sa mga celebrity couple na talaga namang damang-dama ng lahat ng mga tagasubaybay nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Ito ay dahil narin sa ipinapakita nila ito hindi lamang sa binibitawan nilang salita para sa isa’t isa kundi maging sa effort nila.
Nito nga lamang nakaraan ay nagbahagi si Jane sa kanyang Instagram account ng isang appreciation message para sa kanyang nobyong si RK, kung saan ay talaga namang marami ang napa-sana all. Kalakip kasi ng IG post na ito ni Jane ay ang mga regalo sa kanya ng nobyo.
“Appreciation post … Before Feb ends I just wanted to post this… Pre and post Valentines because I had work and was in a bubble.Hayy this guy #luckygirlrighthere”, ani Jane sa kanyang post.
Agad naman talagang pinagpiyestahan ito ng mga netizens, kung saan karamihan sa kanila ay hindi napigilan ang kiligin para sa magkasintahan at mapa-sana all dahil sa labis na ka-sweetan ng dalawa.
“Aww sweet luckgirl @janeoineza”
“sabay sabay tayong mag-sana all” “kilig” “I’m so happy for you Janey babe… sa PBB ka pa lang grabe nang niluha ko para sayo hehe sobrang happy ko kasi nakahanap ka na ng right man for you…. So happy silent fan” Kitang-kita naman talaga ngayon sa aktres na si Jane Oineza kung gaano siya ka-blooming at ito marahil ay dahil sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang trabaho, ay talaga namang dama nia ang pagbibigay halaga at pagmamahal sa kanya ng taong kanyang minamahal.
Tunay ngang maraming pamamaraan para maipakita natin sa taong ating minamahal ang ating nararamdaman para sa kanila, hindi lamang nga ito sa pagsasabi ng salitang “Mahal kita” kundi talagang ipinapakita rin ito sa gawa, pagbibigay ng oras at panahon sa kanila. Wala din itong limtasyon, dahil hindi lang ito para sa magksintahan, kundi maari din para sa magkaibigan at lalo na nga sa magkapamilya.
