Connect with us

Entertainment

Janella Salvador Ipinasilip Ang Masayang Swimming Bonding Ng Kanyang Kyut Na Anak Na Si Baby Jude

Published

on

Kilala ng publiko noon si Janella Salvador, bilang isa sa mga mahuhusay na aktres na may taglay na husay sa pag-awit at angking kagandahan na talaga namang kabigha-bighani dahil sa pagka-angelic face niya.

Ngunit sa ngayon, ay iba na ngang journey ang tinatahak ng aktres, at ito nga ay ang kanya ng pagiging isang celebrity mommy sa kanyang napaka-kyut at lusog na sanggol na si Jude. Si baby Jude ay ang first born ni Janella at ng kanyang partner na si Marcus Paterson, kung saan ng i-anunsyo nila ang pagkakaroon na nila ng anak, kasabay ng pagpapakilala nila nito sa publiko ay talaga namang napakarami sa mga tagahanga ni Janella ang nagulat.

Sa kabila ng pagkagulat, ay ikinatuwa naman ng maraming mga netizens at tagahanga ng actress-singer ang balita lalo na ng kanila ng masilayan ang napakayut na anak nina Janella at Marcus.

Samantala, tila parang kailan nga lamang ng isapunbliko ng dalawa ang pagkakaroon nila ng anak kung saan ng mga panahon na ‘yon ay napakaliit na sanggol pa lamang ni Jude. Ngunit sadya ngang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil makikita ngayon na ito’y ilang buwang gulang na at nagiging aktibo na ngang sanggol.

Makikita sa latest post ni Janella nang magbahagi siya ng masayang family bonding nila no’ng nagdiwang siya ng kanyang kaarawan, na napakalaki na nga ni Baby Jude at nakaka-aliw na ito. Ibinahagi rin niya ang naging enjoy na pagsi-swimming nila ng anak na kitang-kita nga na masayang-masaya habang siya ay nagtatampisaw sa tubig ng pool.

“I wanted to go to the beach or someplace I can just swim and relax which is currently prohibited and unsafe, so instead I just brought the swimming pool in my balcony. [sun emoji] Things didn’t go as I originally planned but it was a wonderful, sunny and happy day with family. It was Jude’s first time to swim and my first birthday as a mum. Oh, life <3”, saad ni Janella sa kanyang IG post.

Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Janella, at ang iba ay pinuri naman ang nakitang masayang pamilya na binuo ng singer-actress. “happy birthday pretty Janella and hi baby jude.” “Good afternoon cute Jude at Mom Janella.” “happy birthday ms. Janella, you’re so gorgeous!!”

“Happy 23rd birthday Janella Salvador! Enjoy your ECQ birthday with your lovely family. God bless you more and more. Stay blooming and we can’t wait to see you again on tv. [heart emoji, cake emoji, toasting wine glass emoji]” “happy for you Janella w/ cute hubby and baby”