Connect with us

Showbiz

Janine Gutierrez Ibinahagi Ang Mga Throwback Photo Ng Kanyang Mamita Na Si Pilita Corrales

Published

on

Batid ng marami sa atin na ang aktres na si Janine Gutierrez ay mula sa pamilya ng mga aktor at aktres, kung kaya naman hindi na nga nakapagtataka na maging siya ay tinahak na rin ang buhay ng pag-aartista dahil na rin sa kanyang namanang talento mula sa kanyang pamilya.
Talaga namang ipinagmamalaki ni Janine na siya ay mula sa pamilyang magagaling magtaghal sa entablado, kung saan hindi lang basta sa ating bansa kung hindi pang world class naman talaga ang mga talento.

Para sa kaalaman ng lahat ay lola ng aktres ang isang alamat na si Pilita Corrales, kung saan matatandaan nga na nagbigay ito ng malaking karangalan sa ating bansa. Ito ay ng manalo nga si Pilita sa “Tokyo Music Festival” na ginanap noong taong 1972. Dahil sa taglay na talento bilang isang mang-aawit ay binansagan siyang “Asia’s Queen of Song” sa buong Asia.

Samantala, kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Asia’s Queen of Song, kung saan ay marami sa kanyang mga tagahanga ang hindi siya nakalimutang batiin sa araw ng kanyang kaarawan. Siyempre maging ang kanyang mga kapamilya at mahal sa buhay ay bumati rin sa kanya, at isa na nga sa mga ito ay ang aktres na si Janine Gutierrez na isa sa kanyang mga apo.

May naging pasorpresa naman si Janine para kay Pilita na kung tawagin nga niya ay kanyang ‘Mamita’. Para sa kaarawan ng kanyang Mamita ay ibinahagi ni Janine ang mga throwback photo ni Pilita Corrales, kung saan ito nga ay nagkaroon ng samu’t saring reaksyon at komento.

Sa mga larawan ay makikita naman na noon pa mang kabataan ni Pilita Corrales, ay talaga namang napakaganda na nito, at tila nga dito namana ni Janine ang kanyang kagandahan. May larawan pa nga na makikita na magkasama si Janine at ang kanyang Mamita at dito nga ay mas mapapansin na ang pagkakahalintulad ng kanilang taglay na kagandahan. Kalakip nga ng mga larawan na ibinahagi ni Janine ay ang mensahe niya ng pagbati at pagmamahal sa kanyang Mamita.