Connect with us

Entertainment

Jericho Rosales Nagbigay Inspirasyon Kung Paano Ang Isang Tulad Niya Na Lumaki Sa Hirap At Matupad Ang Pangarap

Published

on

Ang gwapo at matipunong aktor na si Jericho Rosales, ay isa sa maituturing na pinaka-hot at pinaka-kinakikiligang aktor sa industriya ng showbiz. Masasabi nga naman natin na isa sa mga aktor sa Philippine showbiz industry, na bumihag sa puso ng maraming kababaihang Pinoy ay si Jericho Rosales.

Tunay ngang marami ng proyektong nagawa ang aktor, mula pa sa kanyang pagbibinata hanggang sa kasalukuyan, kaya naman talagang masasabi natin na malayo na ang kanyang narating bilang isang artista kung saan sigurado na din ang seguridad ng kanyang hinaharap sa buhay kahit pa siya ay magkapamilya na.

Ilan sa mga minahal ng mga manonood at talagang tinutukan ng teleseryeng pinagbibidahan ni Jericho ay ang, Halik, The Legal Wife, Bridges of Love, at ang Kahit Isang Saglit.

May mga ilan ang mga proyekto ang ginawa ng aktor, na talaga namang mas ipinakita niya pa ang kanyang galing at husay sa pag-arte, tulad na lang sa mga pelikulang The Girl in The Orange Dress, Walang Forever at ang Siargao.

Ngunit marami sa atin ang hindi nakaka-alam kung paano nagsimula si Jericho Rosales sa pag-aartista?Para sa kaalaman ng lahat, lalo na sa mga tagahanga ni Jericho, unang nakilala at na discover ang aktor ng siya ay maging kalahok ng Eat Bulaga segment na Mr. Pogi, at ito na nga ang naging daan na pinasok niya ang industriya ng showbiz.

Samantala, marami rin sa atin ang hindi nakaka-alam, na bago pala narating ne Jericho ang kasikatan at magandang pamumuhay na tinatamasa niya ngayon ay marami palang hirap at iba’t ibang trabaho ang naranasan ng nasabing aktor.

Hindi tulad ng ilang mga kilala na nating artista, na lumaki sa isang masayang pamilya, si Jericho ay nagmula at lumaki sa pamilyang kapos sa buhay. Nito ng ang nakaraan lamang, ay nagbahagi ng isang realization sa kanyang buhay si Jericho, na kung saan ay nagbigay siya ng inspirasyon para sa mga taong sinusukuan na ang kanilang buhay dahil sa hirap na kanilang nararanasan.

“….with a heart full of hope and a mind filled with positivity, nothing is impossible.Ang naging panimula ng aktor sa kanyang mensaheng nakapagbibigay inspirasyon sa marami, at karugtong nito ay ibinahagi na ng aktor ang kwento ng kanyang buhay mahirap noon.

I came from a poor family, went to 6 public schools in elementary and high school. Didn’t go to college because I didn’t know what career meant and we simply could not afford it.” Ibinahagi nga ng aktor, na elementary at high school lamang ang kanyang natapos sa pag-aaral, at ng dahil sa kahirapan nila noon ay hindi na siya nagpatuloy pa sa kolehiyo.

When I was young I collected discarded wires and old newspapers to be sold in junk shop in exchange for money and sometimes cheap cheese curls. I collected plastic trash from dumpsite with my cousin, I sold ice buko (frozen coconut water with milk and sugar), sold fish in the market, became a jeepney ‘barker’, a pizza boy and a driver”.

Saad pa nga ni Jericho, marami siyang iba;t-ibang trabahong pinasukan, tulad ng pagiging barker ng jeep, pizza boy, driver at ang hindi niya makakalimutan ay ang ginagawa niya noon na pangongolekta ng mga basura na maari pang magamit na kung saan ay dinala niya ito sa junkshop kapalit ng pera o di kaya naman ay isang chichirya.

Ayon nga kay Jericho, halos lahat ng hirap sa buhay ay maaring naranasan na niya, ngunit dahil sa may pangarap siya sa kanyang buhay ay hindi siya nawalan ng pag-asa at nanatili ang kanyang pananampalataya sa Diyos na balang araw ay makakaahon din siya sa hirap at nagkakaroon ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

I had a dream – to get myself and my family out of poverty and have our own house. That was my first major dream. I had faith in God and also I had time. So I prayed and prayed and never stopped learning new things, I kept moving, I kept my dream in front of me.

Sa kabila nga ng maraming pagsubok sa kanyang buhay, ay nanatili ang positibo si Jericho noon na makamit ang kanyang pinapangarap sa buhay. “What we have in our hands is NOW. It holds a lot of power if you know how to use it. It can change your tomorrows. Shaping it starts the moment you tell yourself, ‘This is my tomorrow.

We also have each other.Masasabi nga natin na ang buhay ni Jericho Rosales ay maituturing na isang kwento ng buhay na “rags to riches”. “They say dreams are only dreams and wishes will remain wishes but not until you do something about them. So keep dreaming, keep hoping and keep moving. You are made to be something and someone for another. I wish all of us a bright future and I’ll do my part to make that happen.

Di mo kailangan ng tsinelas sa dagat ng pangarap. Naks.” Sa istorya nga ng buhay ni Jericho Rosales, ay masasabi nating deserve ng aktor kung ano man ang narating niya sa kanyang buhay ngayon.

At para nga sa marami sa atin, na hanggang ngayon ay nakakaramdam ng hirap sa buhay, maging inspirasyon sana ang kwento ni Jericho upang hindi tayo tumigil sa pagtupad ng ating mga pangarap.