Connect with us

Showbiz

Jestoni Alarcon Ibinahagi Ang Sikreto Kung Paano Napapanatili Ang Kanyang ‘Hot Dad Body’

Published

on

Isa sa mga kilala at mahuhuay na aktor sa industriya ng showbiz si Jestonie Alarcon, o sa tunay na buhay nga ay si Anthony Jesus Alarcon. Labing-anim taong gulang lamang ng mag-umpisa si Jestoni sa pag-aartista, at dahil nga sa kanyang taglay na karisma at husay bilang isang aktor, sa kasalukuyan nga ay mahigit tatlong dekada na siyang aktibo sa paggawa ng mga pelikula o teleserye sa telebisyon.

Dahil sa taglay niyang kagwapuhan, ay isa din si Jestoni sa mga in-demand matinee idols noong dekada 80 hanggang dekada 90. At isa nga sa mga madalas niyang nagiging leading lady noon ay ang aktres na si Rita Avila. Sa ngayon nga ay 57-taong gulang na si Jestoni, at sa kabila ng ilang taon na nga lamang ang bibilangin ay magiging ‘senior’ na siya, ay makikita naman sa angking tindig niyana hanggang ngayon ay napapanatili niya ang maganda at malusog na pangangatawan. Kahit nga nasa edad ng 57, para sa marami ay may-asim pa rin ang aktor.

Kamakailan nga lamang, ay ibinahagi ng aktor ang kanyang sikreto sa pagpapanatili niya ng kanyang ‘hot dad bod’, at ito nga ay sa isang episode eng Pinoy MD. ‘I do exerc𝔦ses. I eat the right food na tama sa katawan, yung he𝔞lthy food and at the same time, yung social din with friends, bonding time with family. So kailangan kumpleto eh. Kailangan balance ang t𝔞kbo ng buhay’, pahki-kuwento ni Jestoni.

Pagbabahagi nga ng aktor, ilan lamang nga sa sikreto ng kanyang maganda at malusog na pangangatawan ay ang patuloy niyang pag-e-ehersisyo at pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Siyempre, nakakapagpadagdag ng maganda niyang kalusugan, ang masayang takbo ng buhay niya, lalo na ng kanyang pamilya. Matatandaan na noong taong 2000, ay nagpahinga si Jestoni sa pag-aartista at kanya ngang pinasok ang mundo ng politika.

Si Jestoni Alarcon ay magtatlong taon dekada ng kasal sa asawa niyang si Lizette Alarcon, at hanggang ngayon nga ay patuloy na nagiging matatag ang kanilang pagsasama. Ipagdiriwang nilang mag-asawa ang kanilang ika-30 taong wedding anniversary ngayong buwan ng Disyembre.

Taong 1991 ng mag-krus ang landas nina Jestoni at Lizette, kung saan ay sa una nga nilang pagkikita ay ‘love at first sight’ agad ang naramdaman nila sa isa’t isa. May tatlong anak sina Jestoni at Lizette, ito nga ay sina Jessica, Angela at Anthony Pierce, kung saan ang anak nilang si Angela ang sumunod sa yapak ni Jestoni, dahil sa kasalukuyan ang dalaga ay isa na nga sa mga talent ng GMA Artist Center.