Showbiz
Jillian Ward Umani Ng Paghanga Matapos Magsuot Ng Wonder Woman Costume

Lahat nga marahil tayo ay kilala ang superheroine na si Wonderwoman. Siya ay isa sa mga super hero na hindi lamang hinahangaan dahil sa kanyang taglay na kapangyarihan at kakayahan kundi maging sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan. Isa nga sa mga bumida at gumanap bilang si Wonderwoman ay ang Israeli actress na si Gal Gadot kung saan ay talagang hinangaan siya ng buong mundo dahil sa bumagay sa kanya ang karakter sapagkat taglay niya ang kagandahan at kaseksihan ng isang Wonderwoman.
Samantala, tila nga ngayon ay mayroon na ring magiging pambato ang Pilipinas para maging si Wonderwoman, at ito nga ay ang Kapuso Teen actress na si Jillian Ward. Nito lamang nakaraan kasi ay nagsuot si Jillian ng costume ni Wonderwoman at talaga namang ito ay bumagay sa kanya kung kaya naman marami ang agad na pumuri at nagbigay ng positibong komento.
Sa social media nga ni Jillian ay makikita ang pagbabahagi niya ng kanyang larawan kung saan siya nga ay nakasuot ng Wonderwoman costume. Kahit nga ang look niya ay kay Wonderwoman ay sinigurado naman ng teen actress na mayroon pa ring makikita na Pinoy side sa kanyang cosplay, kaya naman sa kanyang pose ay ginaya nga niya ang posing ng Pinay Iconic Superhero na si Darna kung saan ang kanya ngang balikat ay nakataan habang nasa may baywang naman niya ang dalawa niyang kamao na nakakuyom at naka-fierce look pa nga siya sa kamera.
“#Wonderwoman costume but poses is inspired by #Darna [emoji]”, ang naging saad ni Jillian sa caption ng kanyang larawan. Masasabi naman talaga na parang siya si Wonderwoman ng Pilipinas dahil maliban nga sa kanyang suot na Wonderwoman costume ay kumpleto din sa accessories si Jillian habang ginagaya nga si Wonderwoman, idagdag pa ang kanyang nakalugay na buhok na mas lalo pa ngang umagay sa karakter na ginagaya niya.
Si Jillian Ward ay isa sa mga sikat na batang aktres ngayon sa lokal na showbiz. Siya ay unang nakilala noong taong 2010 ng mapabilang siya sa sine novela na “Trudis Liit”, mas lalo namang sumikat at naging matunog ang kanyang pangalan ng bumida siya sa hit series ng Kapuso network na “Prima Donna” kung saan ay gumanap nga siya bilang si Donna Marie. Magmula nga ng pumatok sa madla ang nasabing teleserye, ay dito na rin nagsimulang mapansin ng publiko ang angking kagandahan ni Jillian at ang pagiging isang mahusay nitong aktres.
