Connect with us

Showbiz

Joey Marquez Malaki Ang Pasasalamat Sa Girlfriend Dahil Tanggap Ang Pagkakaroon Ng Maraming Anak

Published

on

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang komedyanteng aktor na si Joey Marquez ay mayroong labing anim na mga anak, at ang mga ina nga ng mga ito ay mga naging karelasyon niya noon. Sa kabila naman ng hiwalay na siya sa mga ina ng kanyang mga anak, ay maayos ang relasyon niya sa mga ito, at ganun rin sa lahat ng mga anak niya.

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam si Joey ni Pia Arcangel sa episode ng programang Tunay na Buhay ng GMA-7 network. Sa panayam nga na ito kay Joey, ay naitanong sa kanya ni Pia, kung kabisado ba niya ang pangalan ng kanyang labing anak na anak. At naging mabilis naman ang tugon ng komedyante rito.

Agad ngang binaggit ng komedyante ang pangalan ng kanyang mga anak, kung saan ito nga ay sina Jj, Jeremy, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jowee Ann, Yeoj, Winwyn, Zia, Vitto, Mm, Jazalla, Jacob, Joeygy. Ayon kay Pia, ay walang nakalimutang banggitin si Joey sa pangalan ng kanyang mga anak.
Pagbabahagi naman ni Joey, sa kabila ng pagkakaiba ng mga ina ng kanyang mga anak, ay lagi niya umano pinaaalalahanan ang mga ito na huwag ituring na half-brother/sister ang isa’t isa, kundi magturingan bilang mga tunay na magkakapatid, dahil sa huli, ay ang mga ito ang magtutulungan.

Samantala, ngayon ay 63-taong gulang na si Joey, ngunit hindi pa rin naging huli para siya ay muling umibig. May nagpapatibok nga sa kanyang puso ngayon, at ito ay ang non-showbiz parter niyang si Malu. Dapat ay nakatakda ng magpakasal ang dalawa, ngunit dahil sa pagkakaroon ng krisis, ito nga ay kanila munang ikinasela at ini-hold muna ang magiging petsa ng kanilang kasal.

Si Joey at non-showbiz partner niyang si Malu ay parehong handa ng mag-settle down sa isa’t isa, ngunit wala na nga silang planong magkaroon pa ng ‘baby’ sapagkat pareho na rin silang may edad na at may mga anak na rin sa dati nilang karelasyon. “I always tell them kasi na may children are the utmost pr𝔦ority. Whatever happens, I will always side with my children.

Eh natanggap niya kaya sabi ko, I fell in l𝔬ve with her,” ang naging saad ni Joey ng makapanayam siya ni Tito Boy Abunda. Malaki rin ang pasasalamat ni Joey sa partner niya ngayon na si Malu, dahil tinanggap nito ang kanyang nakaraan, at tinutulungan din siya nito pagdating sa pag-aalaga sa labing anim niyang mga anak.