Connect with us

Showbiz

John Prats Ibinahagi Ang Mga Nakakaaliw Na Larawan Ng Kanyang Masayang Pamilya

Published

on

Isang masaya at puno ng pagmamahalan na pamilya ang makikita sa ‘family photo’ na ibinahagi ni John Prats sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraa, na agad namang inulin ng mga pusong komento mula sa kanyang mga kaibigan, kapamilya at tagahanga. Makikita nga sa isang larawan na ipinot ng aktor at direktor na si John na kasama niya ang kanyang asawa at tatlo nilang mga anak, at ito nga ay may caption na “This is Us!”

Kitang-kita nga naman sa mga post ni John kung gaano niya ka-miss ang kanyang pamilya, dahil nga sa ngayon ay nasa lock-in taping siya, at hindi nga niya kasama ang mga ito. Maliban pa nga family photo na ibinahagi ni John, ay mayroon rin itong nakaka-antig na appreciation post para sa kanyang maybahay na si Isabel Oli, ito nga ay kahit wala namang okasyon.

“To my wife, Thank you for everything. Wala naman pong okasyon, pero gusto ko lang i-appreciate ang asawa ko. I thank God for giving me a partner like you. Pasensya ka na sakin minsan. Hehehe. I love you habang buhay po.”, ang naging pahayag ni John sa kanyang caption sa post.
Dagdag pa niya, “Tayo hanggang pumuti na ang buhok natin. Salamat sa araw-araw na pagmamahal mo sa amin ng mga anak mo. [sending kiss emoji] I miss you, I shall see you guys very soon po. From your HUBB.”

Sa mensahe nga na ito ni John, ay talagang ramdam na ramdam ang ka-sweetan niya sa kanyang asawa, at kung gaano na niya nami-miss na makasama ito at maging ang kanilang mga anak.
Si John Prats ay kasalukuyang napapanood natin sa longest teleserye ng Kapamilya network na FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi nga lang basta direktor si John ngayon ng mga concert, dahil maging mga Tv shows ay dini-derek na rin niya kagaya na ng alamang ng It’s Showtime, kung saan siya ay ang direktor ng isa sa mga segment nito na “ReiNanay”.

Makikita naman na sa kabila ng maraming pinagkaka-abalahan at kinabi-busyhan ni John Prats dahil sa kanyang mga trabaho, ay sinisigurado naman niya na naipaparamdam niya sa kanyang pamilya ang pagmamahal niya sa mga ito, lalo na nga ngayon na hinid niya kasama ang mga ito dahil siya’y nasa trabaho.