Connect with us

Showbiz

Joko Diaz Isang Mapagmahal Na Asawa’t Ama Sa Kanyang Binuong Masayang Pamilya

Published

on

Hindi nga naman mawawala sa mga palabas sa telebisyon ang mga ‘action movies’, na talaga namang isa sa mga kinahihiligang panoorin ng maraming mga kalalakihan. Kahit nga kababaihan ay naonood nito, lalo na nga kung ang mga bidang karakter ay ang mga sikat, nag-gagwapuhan at nagkikisigang action star sa industriya ng showbiz.

Si Joko Diaz, ay isa sa mga matitipuno at gwapong aktor na madalas na napapanood natin sa mga maaksyong palabas noon at maging hanggang sa ngayon sa mga teleserye o pelikula. Maraming mga manonood ang talaga namang napapabilib sa kanyang mga maaksyong galawan sa mga karakter na kanyang ginagampanan.

Sa kanyang kapanahunan ay isa nga si Joko Diaz sa mga pinakamahuhusay na aktor, na mapabida o kontrabida man ay maar ingang isabak. Madalas nga natin siyang napapanood sa mga karakter niyang astigin at matitipuno.

Samantala, kung sa mga palabas o pelikula nga ay madalas na ‘bad boy’ ang nakikita nating ginagampanan na karakter ni Joko, ito naman ay salungat sa personalidad na taglay niya sa tunay na buhay. Pagdating kasi sa tunay na buhay ni Joko, ay isa siyang malambing, responsable at mapagmahal na asawa at magulang.

Kabibiliban din ang pagiging ‘one woman man’ ng aktor, na sa panahon ngayon ay tila nga naman bihira na ang makatagpo ng ganitong klase ng lalaki. Dahil sa kanyang taglay na ‘physical appearance’ na talaga namang guwapo at matipuno tila nga masasabi natin na isa siyang ‘playboy’. Ngunit sa kabila nito, ay pinatunayan ng aktor na siya ay isa sa mga nabibilang na lalaki na tapat kung umibig sa babaeng kanilang minamahal.

Ang patunay nga nito ay ang patuloy na masaya at matatag na pagsasama nila ng kanyang maybahay, kung saan ngayong taon nga ay nasa 20-taon na silang mag-asawa. Ang pagsasama nila ng kanyang asawa ay nabiyayaan naman ng dalawang anak. Para naman kay Joko, ang kanyang pamilya ang itinuturing niyang pinaka-kayamanan niya dito sa mundong ibabaw.

Makikita sa Instagram account ni Joko ang madalas niyang pagbabahagi ng mga larawan ng kanyang pamilya, kung saan dito ay makikita kung gaano kasaya ang pagsasama nila ng kanyang asawa kasama ang kanilang dalawang anak. masisilayan din ang iba’t ibang mga larawan ng pamilya sa bonding moments na madalas nilang gawin, at ito nga ay ang pagta-travel sa iba’t ibang lugar sa loob o labas man ng ating bansa.

Hindi naman kataka-taka ang pagkakaroon ng matibay na relasyon at pagsasama ni Joko at Abigail, sapagkat kung ‘one woman man’ ang aktor ay isa namang ‘very supportive wife’ ang kanyang maybahay na si Abigail dahil makikita nga sa Instagram nito ang pagpo-promote niya ng proyekto ni Joko.